CMSP,nakikiisa sa pamilyang naiwan ng EJK victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,515 total reads

Nakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mga pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJK) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na Pagbangon sa Hapag ng Pag-asa nitong March 31, 2025, sa Minor Basilica of San Pedro Bautista sa Quezon City, binigyang-diin ng CMSP ang kahalagahan ng pagtitipon upang alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay, hilumin ang sugatang puso, at muling manindigan para sa katarungan at kapayapaan.

Ginawa ito kasunod ng pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte noong March 11, 2025 dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

“For many families, this moment represents a step toward accountability after years of struggle, pain, and unanswered calls for justice. Yet, while legal proceedings unfold, our commitment to supporting these families remains steadfast. Their grief is not erased by legal actions alone; they continue to seek truth, healing, and dignity for their loved ones,” pahayag ng CMSP.

Sinabi ng CMSP, na sa kabila ng paglipas ng mga taon, nananatiling buhay ang dalamhati at panawagan ng katarungan ng mga naulilang pamilya.

Sa Misa Pasasalamat na pinangunahan ni CMSP Co-Chair Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, pinarangalan ang mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga larawan sa tabi ng imahen ni Hesus na Mahirap, pag-aalay ng bulaklak, at pagbabasbas.

Isinagisag nito ang sama-samang panawagan para sa katotohanan, katarungan, at kagalingan ng mga naulilang pamilya.

“We believe that faith compels us to act—to stand with those who grieve and to seek a future where justice prevails… As we gather at the table of hope, we reaffirm our commitment to accompany these families, to work for truth and accountability, and to build a society where life and dignity are upheld above all,” ayon sa CMSP.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng CMSP, muling pinagtibay ng kapulungan ang misyon bilang mga saksi ng katotohanan at tagapagtaguyod ng katarungan at kapayapaan para sa mga inaapi, mahihirap, at nagdadalamhati.

Batay sa ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), halos 9,000 katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte, habang tinatayang mahigit 20,000 naman ayon sa iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,069 total reads

 79,069 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,090 total reads

 181,090 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,878 total reads

 217,878 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,453 total reads

 248,453 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,601 total reads

 293,601 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,208 total reads

 58,208 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top