Jaro Archbishop emeritus Romeo Lazo, nagpapasalamat sa 50-taong pagsisilbi sa pamayanan ng Dios

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,430 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Jaro Archbishop Emeritus Jose Romeo Lazo sa Panginoon sa pagkakataong makapaglingkod sa kawan at maging daluyan ng pag-ibig sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng pagiging pari nitong April 1 sa misang pasasalamat na ginanap sa National Shrine of Our Lady of Candles and Jaro Metropolitan Cathedral.

Binigyang diin ng arsobispo na bagamat maraming hamon ang kanyang pinagdaanan sa nakalipas na limang dekada sa ministeryo ay nanatili itong matatag sa pagtupad ng misyon sa tulong ng pag-ibig ng Diyos.

“I am grateful to be chosen, consecrated and sent to love and serve the people of God,” pahayag ni Archbishop Lazo.

Iginiit ni Archbishop Lazo na hindi maisakatuparan ang misyon bilang pari kung walang pag-ibig na nakaugat kay Hesus sapagkat ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ang nagpapatibay sa mga gawaing pagpapastol.

Ang limang dekadang paglalakbay bilang pari ay tanda ng pakikiisa ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pastol sa pamayanan.

“My life as a priest is a journey, a symbol of sandals, and reaching out. A symbol of hands to others, as well as God reaching out to me, or us, with that cross in sight,” dagdag pa ni Archbishop Lazo.

April 1, 1975 nang maordinahang pari ang arsobispo at naglingkod ng halos tatlong dekada sa San Jose de Antique habang 21 taon naman bilang obispo sa tatlong ecclesiastical territories ang Kalibo, Antique at Jaro.

Pinasalamatan ni Archbishop Lazo ang mga pari at mananampalatayang naging kamanlalakbay sa limang dekadang pagiging pari sa Panay Island habang hinimok ang bawat isa na patuloy maglakbay sa diwa ng synodality upang magbuklod ang bawat kristiyano.

Dumalo sa thanskgiving mass ng arsobispo ang mga obispo at pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa kabilang na si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown nagpapasalamat din kay Archbishop Lazo sa taos puso at buong katapatang paglilingkod sa simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,100 total reads

 79,100 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,117 total reads

 181,117 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,905 total reads

 217,905 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,480 total reads

 248,480 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,627 total reads

 293,627 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top