Bagong Obispo ng Diocese of Pagadian, itinalaga ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,115 total reads

Itinalaga nang Kanyang Kabanalan Francisco si Daet Administrator Fr. Ronald Anthony Timoner bilang obispo ng Diocese of Pagadian.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong April 2, alas dose ng tanghali sa Roma habang alas sais ng gabi naman sa Pilipinas.

Matatandaang 15 buwang sede vacante ang diyosesis nang pumanaw si Bishop Ronald Lunas noong January 2, 2024.

Ang 53 taong gulang na pari ay ipinanganak noong 1971, nagtapos ng pilosopiya sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City at theology naman sa University of Santo Tomas.

May 1, 1997 nang maordinahang pari si Bishop-elect Timoner sa Diocese of Daet sa Camarines Norte, ginampanan ang ilang gawain sa iba’t ibang parokya gayundin ang pagiging formator ng Holy Trinity College Seminary ng Daet.

Naging chancellor ng diyosesis sa pamumuno ni Archbishop Gilbert Garcera bago maitalagang arsobispo ng Lipa habang vicar general naman sa panahon ni Archbishop Rex Andrew Alarcon hanggang maitalagang arsobispo ng Naga.

Nang maging sede vacante ang Daet itinalaga ang pari bilang tagapangasiwa at kasalukuyang pinangunahan ang paghahanda sa ordinasyon ni Daet Bishop-elect Fr. Hernan Abcede, RCJ na itinakda sa May 1.

Si Bishop-elect Timoner ang nakababatang kapatid ni Fr. Gerard Francisco Timoner, OP, ang ika – 88 at kauna-unahang Asyanong Masters of the Preachers ng Dominican order.

Ikinatuwa naman ni Pagadian Administrator, Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang pagkatalaga kay Bishop-elect Timoner kasabay ng kahilingang panalangin sa bagong pastol sa mahigit isang milyong katoliko ng Pagadian.

“The Long wait is over. After 15 months , Rome has answered our prayers. People of the Diocese of Pagadian are happy that we have a new bishop. We believe the Lord has gifted the Diocese with a Bishop who has the heart of God. Let’s pray for him,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 115,836 total reads

 115,836 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 209,863 total reads

 209,863 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 254,133 total reads

 254,133 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 277,241 total reads

 277,241 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 347,038 total reads

 347,038 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top