Mga simbahan, hinimok na magsagawa ng 2nd collection para sa Alay Kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,195 total views

Hinikayat ng social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang lahat ng diyosesis at parokya sa buong bansa na magsagawa ng second collection sa mga misa sa Linggo ng Palaspas bilang pagdiriwang ng Alay Kapwa Sunday.

Ipagdiriwang sa darating na April 13, 2025, ang ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa Sunday na sinimulan noong 1975 at taunang ginugunita tuwing Linggo ng Palaspas–hudyat ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw.

Ayon sa Caritas Philippines, higit pa sa pangangalap ng pondo, ang Alay Kapwa ay isang konkretong paraan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga gawa ng pagmamahal at malasakit para sa mga higit na nangangailangan.

“For five decades, our solidarity through the Alay Kapwa Program has become a cornerstone of the social action ministry across all 86 arch/dioceses and supported countless humanitarian programs, initiatives promoting sustainable development, and advocacy efforts focused on human rights, good governance and environmental protection,” pahayag ng Caritas Philippines.

Ngayong taon, ang malilikom na pondo ay ilalaan hindi lamang para sa social action programs, kundi para rin sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Myanmar at sa mga apektado ng pagliligalig ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Tema ng Alay Kapwa ngayong taon ang “Kapwa Ko, Pananagutan Ko: Limampung Taon ng Pag-asa”, na tumutugma sa diwa ng pagdiriwang sa Taon ng Jubileo ng Pag-asa.

“We continue to bring the message of hope and solidarity among our brothers and sisters in need, especially in San Carlos and Myanmar,” saad ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 216,553 total views

 216,553 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 246,777 total views

 246,777 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 273,421 total views

 273,421 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 368,394 total views

 368,394 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 375,392 total views

 375,392 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top