Pangulong Marcos, hinimok ang sambayanang Pilipino na maging tunay na “Pilgrims of Hope”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,217 total reads

Sa kanyang mensahe para sa Pasko ng Pagkabuhay, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na maging buhay na saksi sa mensahe ng muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng pagkilos para sa kapwa at para sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Pasko ng Pagkabuhay ay higit pa sa isang pagdiriwang ng pag-asa—ito ay patunay ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, liwanag laban sa dilim.

“The triumph of Easter Sunday is not just a celebration filled with hope and aspiration for a better tomorrow, but also a testament to the victory of life over death, hope over despair, and light over darkness,” pahayag ng Pangulo.

Binigyang-diin niya na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay paanyaya sa bawat isa na isabuhay ang malasakit, pagpapatawad, at pagkakaisa sa kapwa. Ngunit giit ng Pangulo, hindi sapat na ipahayag ang pagkabuhay ni Kristo kung mananatili namang nakalugmok sa pagkakautang, gutom, at katahimikan ang iba.

“However, to be true pilgrims of hope, it is not enough to say He is risen while leaving others buried—in debt, in hunger, and in silence,” aniya. “If Christ walked out of the tomb, then no one should remain sealed inside theirs.”

Hinikayat niya ang mga Pilipino na tanggapin ang hamon ng Pasko ng Pagkabuhay bilang panawagan sa pagkilos at pagbabago—hindi lamang sa pananalig, kundi sa gawa.

“We must rise—not merely in belief, but in deeds, and not only in prayer, but in action,” dagdag ni Marcos. “The risen Christ does not rise alone, He invites us to rise with Him—through policies that heal, through laws that protect, and through governance that leaves no one behind.”

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang lahat na sama-samang buuin ang Bagong Pilipinas sa pamamagitan ng pananampalataya na may kalakip na pagkilos.

“Let us manifest the strength of our faith with the work of our hands and, together, build the Bagong Pilipinas we aspire for our people. Together with the faithful, I greet everyone with the fierce, uncontainable joy of the Resurrection.”

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa lahat!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 28,613 total reads

 28,613 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 63,288 total reads

 63,288 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 92,667 total reads

 92,667 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 129,149 total reads

 129,149 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 145,696 total reads

 145,696 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top