Mananampalataya, hinimok na bisitahin ang Divine Mercy Shrine sa Puerto Princesa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,778 total views

Hinimok ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mananampalataya na mag-pilgrimage sa Divine Mercy Shrine sa Sicsican, Puerto Princesa City.

Ito ang paanyaya ng obispo kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday sa April 27 kung saan inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga simbahan na italaga ang Pilipinas sa Divine Mercy.

Sinabi ni Bishop Mesiona na magkakaroon ng sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal bilang paraan ng paggawad ng dakilang habag at awa ng Panginoon at matanggap ang mga kaakibat na biyaya ng kapistahan ng Divine Mercy.

“I invite everyone to make a personal pilgrimage to the Divine Mercy Shrine in Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, especially on April 27. Confessions will be available on Saturday morning and throughout the whole day of Divine Mercy Sunday. There will also be Masses available on Divine Mercy Sunday,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Mesiona.
Inihayag ng CBCP na ang pagtatalaga ng bansa sa Banal na Awa ng Diyos ay sama-samang tugon ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga karanasan at kinakaharap na pagsubok ng bayan sa kasalukuyang panahon.

Hinikayat ni Bishop Mesiona ang nasasakupang mananampalataya na makiisa sa mga gawaing inihahanda ng bawat parokya lalo na ang pag-usal ng itinakdang panalangin sa Divine Mercy consecration.
Sa isang pahayag ni St. Faustina Kowalska na natatanging araw ang Divine Mercy Sunday na ipinagdiriwang ng simbahan tuwing ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sapagkat ipinagkakaloob ng Diyos ang lubos na kapatawaran sa mga kasalanan at tinatanggal ang anumang parusa sa mga taong lubos ang pagsisisi sa mga pagkakasalang nagawa at dumudulog sa sakramento ng kumpisal.

“Let us prepare ourselves spiritually for Divine Mercy Sunday by examining our consciences, seeking reconciliation through the Sacrament of Confession, and resolving to live a life of greater love and compassion. Let us avail ourselves of the graces offered on this day, trusting in the boundless mercy of God,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Naglabas naman ng kopya ng panalangin ang CBCP na ipinamamahagi sa mga parokya na dadasalin sa lahat ng mga misa sa Divine Mercy Sunday sa April 27.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 28,832 total views

 28,832 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 38,196 total views

 38,196 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 64,652 total views

 64,652 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 114,254 total views

 114,254 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 117,561 total views

 117,561 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

 1,977 total views

 1,977 total views Ibinahagi ng Diocese of Digos na ginawaran ng Archbishop Clovis Thibault Special Award ng Archdiocese of Davao si Bishop Guillermo Afable ng Digos

Read More »
Scroll to Top