Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,608 total reads

Nagdadalamhati at nagpasalamat ang sektor ng agrikltura sa Pilipinas kay Pope Francis.

Ayon kay FFF National President Leonardo Montemayor,iniwan ng Santo Papa ang mabubuting adhikain katulad na pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura kasabay ng pagsusulong din ng ikakabuti ng buhay ng mga mahihirap.

“Maramdaming pasasalamat ng ating mga magsasaka, mangingisda, katutubo at ibang maralita sa yumaong Santo Papa Francis. Pinatuyan niya ang kahalagahan ng mga mahihirap sa sarili niyang isip, salita at gawa. His memory will live forever in our hearts and minds!,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Montemayor sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat din si Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas kay Pope Francis dahil bukod sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kabilang sa agrikultura, naisulong din ni Pope Francis ang dignidad ng mga mahihirap higit na ang mga umaasa sa agrikultura.

Inalala din ni Estavillo ang naging pakikiisa ng Santo Papa sa mga apela na paigtingin ang pangangalaga sa mga likas na yaman ng mundo upang hindi ito masira at manatiling balanse.

“Nakikiisa ang sektor sa agrikultura sa sankatauhan na nagdadalamhati sa pagpanaw ng Mahal sa Papa.na si Pope Francis..tunay na alagad ng diyos at laging nasa panig niya ang mga maralita at mga inaaping sektor Palagi niyang ipinapaala ang kahalagahan ng mga likas yaman. At higit sa lahat siya ang tanging Papa na kumilala sa karapatan ng mga kapatid natin may piniling kasarian.. Nanawagan siya na dapat magkaroon ng cease fire sa mga bansang kumakaharap nt giyera,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Estavillo sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya National Vice-chairperson Ronnel Arambulo na si Pope Francis ang dahilan kung bakit higit na naisulong ang pangangalaga sa kalikasan na mahalaga sa paghahanap buhay ng mga mangingisda.

Ito ay matapos ang ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si na malawakang ginamit at pinalakas ng ibat-ibang makakalikasang grupo upang pangalagaan ang kalikasan.

Ayon kay Arambulo, sa pamumuno ni Pope Francis sa simbahang katolika, higit na nakita ng mga Pilipino at sambayanan ang pakikiisa ng mga mananampalataya tungo sa pagtatanggol sa kalikasan.

“The Laudato si’ affirmed the advocacies of many environmental groups in the Philippines for environmental protection, emphasizing that the worst impacts of degradation are the heaviest burdens of the poor. The Pope’s encyclical has inspired and strengthened the commitment of environmental advocates for the struggle of the Filipino fisherfolk against corporate plunder of coastal and marine resources, in Manila Bay, many faith-based organizations have joined our campaign against destructive and profit-driven reclamation and conversion,” ayon pa sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Arambulo.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis para sa pangangalaga sa kalikasan.

Habang magugunita na noong COVID-19 Pandemic ay umapela sa mga pamahalaan si Pope Francis na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga pamilya noong maranasan sa maraming bansa ang lockdown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 76,111 total reads

 76,111 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 113,223 total reads

 113,223 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 147,352 total reads

 147,352 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 203,759 total reads

 203,759 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top