Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 99,034 total views

Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy forever”.

Nang maluklok na Pope noong March 2013, lumikha ng usap-usapan at kritisismo si Pope Francis hindi lamang siya ang kauna-unahang Jesuit Pope at una mula sa Americas kundi ang pagsusulong nito ng mercy at inclusion para sa LGBTQ community. Isinulong din ng Santo Papa ang divorce at remarried catholics kasunod ng kanyang Apostolic exhortation na “Amoris Laetitia” noong 2016 na humihimok sa mga pari na gabayan ang mga tao ng may kababaang loob at pang-unawa sa halip na matatag na pagsunod sa “doctrinal legalism”sa pagharap sa usapin ng diborsiyo.

Ipinakita at ipinadama din ng Santo Papa ang habag at awa ng personal na bisitahin ang mga survivors ng supertyphoon Yolanda. Sa kabila ng matinding sama ng panahon, hindi ito natinag at hinarap ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Laudato Si’” at climate action… noong 2015, ibinahagi ni Pope Francis ang encyclical na ‘Laudato Si, na isang panawagan sa pagkakaroon ng environmental responsibility. Hinihimok ng encyclical ang mga world leader na ideklarang moral crisis ang climate change dahil ang pagkakasira ng ecosystem ng mundo ay malaki ang epekto sa mga mahihirap.

Ipinatupad din ng Santo Papa ang modernisasyon at transparency sa Vatican bank at iba pang Church financial system. Nagtalaga ito ng mga independent auditors, itinatag ang Secretariat for Economy na mangangasiwa sa financial reforms at ipatupad ang accountability na nagresulta sa mga high-profile resignation at imbestigasyon sa mga kuwestiyunableng transaksiyon na binalewala lamang ng simbahan sa mabahang panahon. Sa kabila nito, hindi natupad ang tunay na reporma dahil sa matinding internal resistance gayunman naging makabuluhan ito kung paano i-manage ng simbahan ang billion-dollars na kayamanan.

Ibinahagi din ng Santo Papa sa mundo ang apostolic exhortation na Gaudete et Excultate: A call to Holines in today’s world at encyclical letter na Fratelli Tutti: on fraternity and social friendship.

Hindi lang binago ni Pope Francis ang mga polisya ng simbahan kundi kung paano ito pinapatakbo mula sa top-down hierarchy, isinulong nito ang decentralized at participatory church na naging daan ng paglulunsad ng “Synod on Synodality” noong 2011.

Sinasabing naging conventional ang pamumuno ni Pope Francis sa Simbahang Katolika, hinuhugasan nito ang paa ng mga bilanggo, pinapangarangalan ang mga world leader dahil sa kawalan ng aksyon sa climate change, inilaban ang migration at ipinaglalaban na ang simbahan ay lugar ng habag at hindi exclusion.

 

KAPANALIG… ALAMIN ANG “INTERREGNUM OF POPE FRANCIS”

Ang Papal Interregnum ito ay salitang Latin na ibig sabihin ay panunungkulan ng isang Santo Papa at magiging kapalit nito bilang pinunong Pastol ng Simbahang Katolika. Tinatawag itong “Papal vacancy”, nagsisimula sa pagkamatay o pagbibitiw ng Santo Papa na magtatapos kapag pumayag ang kahalili sa resulta ng eleksyon bilang Pope.

 

SA PAGKAMATAY POPE, ANO ANG MANGYAYARI

Ipapaalam ito sa Cardinal na tumatayong Camerlengo o Chamberlain ng Holy Roman church sa presensiya ng Master of Papal Luturgies Ceremonies at iba pang opisyal. Opisyal na ihahayag ng Camerlengo na patay na ang Santo Papa. Gagawin ang opisyal na death certificate, i-notarized at isasara ng Camerlengo ang higaan at study ng Pope. Matapos nito, ipapaalam ng Carmelengo sa Archpriest ng Vatican Basilica at Cardinal Vicar ng Diocese of Rome na siya namang maghahayag sa mga mananampalataya. Isasailam din sa kustodiya Carmelengo ang Apostolic Palaces ng Vatican, Lateran palace at Castel Gondolfo.

 

ANO ANG MANGYAYARI SA PANAHON NG VACANCY OF THE HOLY SEE

Ang araw kung kailan namatay ang Santo Papa ay simula ng Interregnum na may tatlong bahagi.

 

1.Nine days of mourning(siyam na araw ng pagluluksa)

Ang Santo Papa ay ihihimlay sa St. Peter’s Basilica kung saan pinapayagan ang mga mananampalataya na magbigay ng respeto. Kada araw ang mga Cardinal ay mag-aalay ng memorial mass. Sa pagitan ng ika-apat at ika-anim na araw, isasagawa ang “solemn funeral” sa St.Peter’s Basilica na pangungunahan ng “Dean of the College of Cardinals at iba pang Cardinals. Opisyal ding idedeklara ng College of Cardinals ang official mourning period na siyam na araw na tinatawag na NOVENDIALES. Sa loob ng siyam na araw, magkakaibang Cardinal ang mangunguna sa public funeral rite para sa Pope gamit ang ORDO EXSEQUIARUM ROMANI PONTIFICIS 2024. Nakagawiin na ilibing ang Pope sa St. Peter’s crypt. Hiniling ni Pope Francis na siya ay ihimlay sa Papal Marian Basilica of St.Mary Major.

 

2.PAGHAHANDA SA CONCLAVE

Ang paghahanda sa CONCLAVE. Mula ika-10 araw sa pagsisimula ng CONCLAVE na magsisimula bago ang Day 16 at hindi lalagpas ng Day 21 ng Papal Vacancy.

 

3.CONCLAVE

Simula ng pumasok ang mga Cardinal sa CONCLAVE hanggang sa tanggapin ng napili ang kanyang eleksyon bilang bagong Santo Papa kapalit ni Pope Francis.

“Universi Dominici gregis”

Ito ay Apostolic Constitution na pinroklama ni Pope St. John Paul II noong 1996, ito ang kasalukuyang batas na sinusunod sa kabuuhan ng Papal Vacancy mula sa pagkamatay ng Santo Papa hanggang sa election ng kanyang kahalili. Nakapaloob dito ang kapangyarihan ng College of Cardinals kasama ang mga parusa kapag nilabag ang proseso ng CONCLAVE.

 

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,490 total views

 8,490 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,973 total views

 19,973 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,662 total views

 35,662 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,444 total views

 36,444 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,177 total views

 46,177 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,491 total views

 8,491 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMERO

 19,974 total views

 19,974 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,663 total views

 35,663 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 36,445 total views

 36,445 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top