Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Marcos sa Labor Day: “Ang paggawa ay dakilang ambag sa kasaysayan ng ating bansa”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,685 total views

Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawang Pilipino, na aniya’y hindi lamang nag-aangat sa sarili kundi nagsisilbing “dakilang ambag” sa kasaysayan ng bansa.

Ayon sa Pangulo, sa bawat araw na ang mga manggagawa ay kumakayod para sa kanilang sarili at pamilya, naroroon ang diwang handog na nagtataguyod sa ikabubuti ng nakararami.

“Ang paggawa ay hindi lamang pag-aangat sa sarili, kung hindi dakilang ambag sa kasaysayan ng ating bansa. Sa bawat araw na ang manggagawang Pilipino ay kumakayod para sa sarili at pamilya, naroroon ang diwang handog para sa ikabubuti ng higit na nakararami,” ani Pangulong Marcos sa kanyang pahayag.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, binigyang-diin ng Pangulo na ang Araw ng Paggawa ay isang pagkakataon hindi lamang upang magbigay-pugay sa mga manggagawa, kundi upang maglatag ng mga hakbang na magsusulong sa kanilang kapakanan. Ayon sa kanya, “Nararapat lamang na ang pagdiriwang na ito ay gawin nating pagkakataon upang bumuo ng mga kongkretong hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya, matiyak ang kaligtasan sa lugar ng trabaho, at mapangalagaan ang karapatang makamit ang magandang kinabukasan.”

Ipinaabot din ng Pangulo ang kahalagahan ng mga patakarang ipinatutupad ng kanyang administrasyon, na ayon sa kanya, ay “dapat sumasalamin sa paninindigang ang tunay na yaman ng bansa ay hindi nasusukat sa kita, kung hindi sa dangal ng taong nagsusumikap.”

Binigyan-diin ng Pangulo na sa mga manggagawa nakasalalay ang kaunlaran ng bansa, kaya’t patuloy ang mga proyekto ng gobyerno na magsusulong sa kanilang paglago at kasaganahan. Tiniyak niya sa mga manggagawa na hindi sila pababayaan ng pamahalaan, at patuloy ang pagkilala sa kanilang tunay na halaga at sakripisyo.

“Taimtim ang aming paninindigang kayo ay hindi pababayaan, bagkus ay higit pang itataguyod—hindi bilang tungkulin lamang, kung hindi bilang pasasalamat at pagkilala sa inyong tunay na halaga at sakripisyo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 18,865 total views

 18,865 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 34,561 total views

 34,561 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 42,961 total views

 42,961 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 107,301 total views

 107,301 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 173,616 total views

 173,616 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top