Archdiocese of Manila, naglabas ng liturgical guidelines para sa conclave

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,556 total reads

Naglabas ng mga paalalang pangliturhikal ang Archdiocese of Manila kaugnay sa pagpili ng bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Kasunod ito ng pahayag mula sa Vatican at ng College of Cardinals na hinihikayat ang mga mananampalataya na sama-samang manalangin para sa nalalapit na conclave, upang ang pagpili ng bagong Santo Papa ay tunay na magabayan ng Banal na Espiritu.

Para sa mga araw bago at habang isinasagawa ang conclave, hinihiling ang pakikibahagi ng sambayanan sa pagdiriwang ng mga Banal na Misa, pananalangin sa Banal na Sakramento, Liturgy of the Hours, personal na panalangin, at pagdarasal ng Santo Rosaryo bilang pakikiisa sa simbahan.

Kabilang dito ang pag-usal sa lahat ng Misa ng Panalangin para sa Pagpili ng Santo Papa matapos ang Panalangin pagkatapos ng Pakikinabang, kapalit ng Oratio Imperata para sa Bayan, simula ngayong Sabado ng gabi, May 3, 2025, hanggang sa pagkahalal ng bagong punong pastol ng Simbahang Katolika.

Bukod dito, maaari ring magdagdag ng karagdagang intensyon sa Panalangin ng Bayan.

Sa May 7, 2025, kasabay ng pagsisimula ng conclave, ang lahat ng mga Misa sa parokya at mga pamayanan ay iaalay para sa pagpili ng Santo Papa.

Kapag napili at naihalal na ang bagong Santo Papa, babanggitin na ang kanyang pangalan sa Eucharistic Prayers, gayundin ang pag-usal ng panalangin ng pasasalamat para sa pagkakaloob ng bagong pinuno ng Simbahang Katolika, o kaya’y pagdadagdag ng karagdagang intensyon sa Panalangin ng Bayan.

Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa May 7, na gaganapin sa Sistine Chapel ng Vatican.

Sa kasalukuyan, 133 sa 252 mga kardinal sa buong mundo ang kumpirmadong makalalahok sa pagpili ng bagong Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 bilyong katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 120,434 total reads

 120,434 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 196,187 total reads

 196,187 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 229,635 total reads

 229,635 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,934 total reads

 264,934 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 486,716 total reads

 486,716 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,054 total reads

 159,054 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top