Pasalamatan ang panginoon sa pagkahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,661 total views

Inaanyayahan ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston ang lahat na manalangin ng pagpapasalamat sa paggabay ng Banal na Espiritu sa mga cardinal electors na pumili sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Gaston na siya ring Correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican, mahalagang ipagpasalamat ang biyaya ng Panginoon sa buong Simbahan sa pamamagitan ng paggabay sa mga cardinal na pumili kay Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. bilang bagong punong pastol ng Simbahan.

Nagpapasalamat rin ang Pari, sa pagbibigay ng Panginoon sa mga dating Santo Papa partikular na sa namayapang si Pope Francis na ganap na nagsilbing daluyan ng habag, awa, pagmamahal at presensya ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ipinapanalangin naman ni Fr. Gaston ang aktibong pakikibahagi at pakikipagtulungan ng lahat sa bagong Santo Papang si Pope Leo XIV sa pamamagitan ng pakikiisa sa pananalangin, paggawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga biyaya at na ibinigay niyo sa amin, sa aming buhay at sa aming Simbahan lalong lalo na ang ating mga cardinal ang kanilang paghalal sa ating bagong Santo Padre si Pope Leo XIV. Nagpapasalamat kami sa lahat ng naibigay mo sa amin sa pamamagitan din ni Pope Francis at ang iba pang mga Santo Papa at nagpapasalamat kami ngayon palang sa lahat ng biyaya na ibibigay mo sa amin sa pamamagitan naman ni Pope Leo XIV, nawa’y kaming lahat din ay makisama sa kanya sa pagdasal at paggawa, sa pagdala ng iyong mensahe sa buong mundo.” Bahagi ng dalangin ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Umapela rin si Fr. Gaston na ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa bagong hirang na punong pastol ng Simbahan na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong daigdig.

Sa ikatlong pagkakataon ng pagpili ng mga cardinal electors sa ikalawang araw ng Papal Conclave ay nasilayan sa tuktok ng Sistine Chapel ang puting usok ganap na alas-sais otso ng gabi – ika-8 ng Mayo, 2025 sa Vatican na alas-dose otso ng hating gabi ng ika-9 ng Mayo, 2025 sa Pilipinas, na nangangahulugan na mayroon ng susunod na Santo Papa ang Simbahang Katolika.

Matapos ang tradisyonal na pag-aanunsyo sa Latin ng “Habemus Papam” na nangangahulugang ‘may Santo Papa na tayo’, ay lumabas sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica si Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV (the 14th)’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 162,681 total views

 162,681 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 192,904 total views

 192,904 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 219,550 total views

 219,550 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 314,523 total views

 314,523 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 324,994 total views

 324,994 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top