Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,861 total reads

Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan ng pagpapastol sa Simbahang Katolika.

Ayon sa Pari, batay sa karanasan ng paglilingkod ni Cardinal Robert F. Prevost, O.S.A. sa mga indigenous peoples, mga tribal minorities at maliliit na komunidad sa Peru ay makikita ang puso para sa mahihirap ng bagong Santo Papa na pinili ang pangalang Pope Leo XIV.

“Nung narinig ko na ito yung kinuhang pangalan ng bagong Santo Papa, Pope Leo XIV… matagal siyang nagtrabaho sa Peru naging Obispo siya sa Peru at nagtrabaho sa mga IPs doon, sa mga indigenous peoples, mga tribal minorities. So malinaw po, ang puso niya ay para sa mga mahihirap kaya yun ang pinili niyang pangalan -Pope Leo XIV.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso.

Sa kasaysayan ay pinipili ng mga bagong punong pastol ang pangalan ng mga nakalipas na Santo Papa bilang paggalang, paghanga o pagkilala sa kanilang paglilingkod sa kawan ng Panginoon, o bilang batayan kung paano nila hangad isulong ang mga reporma o paraan ng paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, ang sinundan ni Pope Leo XIV na si Pope Leo XIII ang nagpasimula ng Catholic Social Teaching, na dahilan sa pagkakaroon ng mga labor union sapagkat nung panahon ng industrial revolution ay maraming mga kababaihan at bata ang nagtatrabaho at naabuso sa iba’t ibang mga pabrika, na nakita ng Simbahan at dahilan upang isinulat ni Pope Leo XIII ang ‘Rerum Novarum’ na sa Pilipino ay ‘Mga Bagong Bagay’, ‘New Things’.

Paliwanag ng Pari, nagsimula rin kay Pope Leo XIII ang tradisyon ng Simbahan na paninindigan sa iba’t ibang mga usaping panlipunan lalong lalo na para sa kapakanan ng mga mahihirap.

“Very Significant po yun, hindi yun aksidente like halimbawa yung pinakasinundan niya si Pope Leo XIII yan yung tinuturo namin na nagsimula ng Catholic Social Teaching tradition. Si Pope Leo XIII, siya po ang dahilan kung bakit may mga labor union dahil po nung panahon ng industrial revolution, marami po ang mga kababaihan at bata noon nasa mga factory na nagtatrabaho ng one-to-sawa at nakita po yan ng Simbahan at nakialam si Pope Leo XIII kaya isinulat niya yung ‘Rerum Novarum’ which means in

Tagalog ‘Mga Bagong Bagay’ – ‘New Things’ – ‘Rerum Novarum’. So nagsimula dito sa kaya ang tradisyon ng Simbahan na naninindigan sa mga issue ng lipunan lalong lalo na sa kapakanan ng mga mahihirap yan po si Pope Leo XIII.” Dagdag pa ni Fr. Alfonso.

Matapos ang tradisyonal na pag-aanunsyo sa Latin ng “Habemus Papam” na nangangahulugang ‘may Santo Papa na tayo’, ay lumabas sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica si Cardinal Robert F. Prevost, O.S.A. na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV’.

Sa tala sa kasaysayan, ang pangalang ‘John’ ang may pinaka-maraming beses na nagamit na umabot sa 23-pagkakataon na sinundan naman ng ‘Gregory’ at ‘Benedict’ na umabot sa 16-na pagkakataon, habang ang ‘Pius’ naman ay umabot ng pitong pagkakataong nagamit na pangalan ng isang Santo Papa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,249 total reads

 19,249 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,376 total reads

 19,376 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 35,067 total reads

 35,067 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,473 total reads

 91,473 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 214,974 total reads

 214,974 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,643 total reads

 298,643 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top