Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging proud, hindi ikinalulungkot ang hindi pagkakahirang ni Cardinal Tagle na Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 13,749 total views

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na walang dapat ikalungkot ang mga naniniwalang si Cardinal Luis Antonio Tagle ang dapat na maging Santo Papa sapagkat ang Poong Maykapal ang tunay na naghirang ng kanyang bagong kinatawan.

Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, kasunod ng pagpapahayag ng kalungkutan ng ilan sa hindi pagiging Santo Papa ni Cardinal Tagle sa katatapos lamang na Papal Conclave.

Ayon sa Pari, nararapat lamang na ikagalak ang pagkakahirang kay Cardinal Robert Prevost, O.S.A. bilang bagong punong pastol ng Simbahang Katolika na siyang mangunguna sa pagsusulong sa misyon ng Simbahan sa buong daigdig.

“Hindi dapat ma-disappoint ang mga naniniwalang si Cardinal Tagle ang dapat maging santo papa. Ang pagkahirang kay Cardinal Prevost bilang santo papa ay dapat ikagalak ng mga mananampalataya dahil mayroon ng pinuno ang Simbahang Katolika na mangunguna sa pagsusulong ng misyon nito sa buong mundo.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Secillano, dapat na maunawaan ng bawat isa na hindi tuwinang namamayani ang kagustuhan ng taumbayan sapagkat mas kinakailangang tugunan at iprayoridad ang tunay na pangangailangan ng Simbahan at ng lipunan.

Paliwanag pa ng Pari, ang pagkakahirang ng Cardinal Electors kay Cardinal Prevost ay walang kaugnayan sa usaping politika sa halip ay bunga o resulta ng kanilang sama-samang pananalangin at pagninilay sa loob ng mga nakalipas na araw.

Giit ni Fr. Secillano, marapat lamang na manalangin at pasalamatan ng lahat ang Panginoon sa kanyang paggabay sa mga Cardinal Electors na naghirang sa napili ng Diyos na maglingkod at magsilbing pastol ng kanyang kawan.

“May mga pagkakataong hindi ang gusto ng taumbayan ang namamayani kungdi ang pangangailangan ng simbahan ang dapat tugunan. Ang desisyon ng mga Kardinal na hirangin si Cardinal Prevost bilang santo papa ay hindi bahagi ng politika o kapritso lamang ng mga bumoto sa kanya. Ito ay resulta ng sama-samang nilang pagninilay at pananalangin. Marapat lamang na tayong lahat ay magkaisa sa pagpapasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay niya ng kanyang kinatawan sa katauhan ni Papa Leon XIV.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Umaasa rin ang Pari na ipanalangin ng bawat isa si Cardinal Prevost sa kanyang kahaharaping misyon bilang ika-267 Santo Papa na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV’ sa kanyang pagsisilbing punong pastol ng mahigit sa 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

Sa tala ang Pilipinas ay isa sa mga dalawang bansa sa Asya na mayroong malaking bilang ng populasyon na nagpapahayag ng pananampalatayang Katoliko at pangatlo naman sa may pinakamalaking populasyon ng Katoliko sa daigdig kasunod ng Brazil at Mexico.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,230 total views

 9,230 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 20,713 total views

 20,713 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,402 total views

 36,402 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,172 total views

 37,172 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,854 total views

 46,854 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 7,041 total views

 7,041 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top