Manindigan sa buhay, hindi sa political party

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

Nararapat na personal na manindigan at sumunod sa kanilang konsensya ang mga mambabatas sa halip na magpadala sa udyok at kautusan ng kanilang kina-aanibang partidong politikal.

Ito ang hamon sa mga mambabatas ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio ‘Ambo’ David – chairman ng CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church kaugnay sa patuloy na pagpupumilit sa pagbabalik ng capital punishment sa bansa.

Ayon kay Bishop David, tungkulin ng mga mambabatas na manindigan sa kasagraduhan ng buhay lalo’t napatuyan na ng ibang mga bansa na hindi tunay na epektibo ang pagpapatupad ng death penalty sa pagpapababa ng kriminalidad.

“Sana sila’y manindigan personally at sumunod sa kanilang konsensya hindi lang sumunod sa party line, kasi biro mo ang kasangkot dito ay buhay, ganyan lang ba kadali na all because you will go with the party line you will make a stand to resume the death penalty? Napakaseryosong bagay niyan.”pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, binabantayan ng Simbahan at ng mga Pro-Life advocates ang inaasahang botohan sa naturang panukalang batas na target maipasa bago mag-recess ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ika-15 ng Marso, 2017.

Patuloy din ang ginagawang pagkilos ng Simbahan para himukin ang mamamayang Pilipino na manindigan at protektahan ang buhay.

Sa ika-31 taong paggunita ng EDSA people power revolution sa ika-25 ng Pebrero magsasagawa ng “walk for life” ang archdiocese ng San Fernando Pampanga.

Read: http://www.veritas846.ph/save-lives-lakad-laban-sa-karahasan/

Matatandaang taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty sa bansa kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na parusang kamatayan.

Batay sa tala ng Amnesty International, nasa 140- bansa na ang nag-abolish sa kanilang parusang kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,843 total views

 48,843 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,712 total views

 44,712 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,914 total views

 80,914 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,594 total views

 89,594 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,775 total views

 114,775 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top