Mga lumabag sa kautusan ng Diyos sa midterm election, hinimok ng Obispo na magsisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,302 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya at Pilipinong nagkasala at lumabag sa kautusan ng Diyos at tao ngayong 2025 midterm election na magsisi at pagnilayan ang kanilang mga ginawa.

Ito ay sa pagtatapos ng halalan kung saan maaring nagkaroon ng mga pagbebenta o pagtanggap sa mga insidente ng vote buying sa lipunan o iba pang kasalanan na magsasanhi ng pagdurusa ng kapwa.
Ayon sa Obispo, hindi pa huli ang lahat, nawa sa pagtatapos ng election period ay pagsisihan ng mga nagkasala ang kanilang mga nagawa at gawin ang lahat upang hindi na ito maulit pa.
“Kung tayo man ay lumabag sa Kanyang mga Kautusan, ang lahat ng ito ay ating pagsisihan. Kung tayo man ay sa ating salita at gawa higit sa lahat sa nakraaang Halalan 2025 ay hindi nakapagdulot ng pagpaparangal sa Kanyang kadakilaan, tayo ngayon ay magtika at mangako na hindi na ito magaganap na muli sa ating pamumuhay. Kung ginawa natin na makabili o makakuha at makaisa sa ating kapwa na naging sanhi sa paglabag sa karapatan ng bawat isa at dangal ng pagboto, ito po ngayon ating nang talikuran, itama ang ating na mamaling pakikitungo at ituwid ang masasamang pag-uugali,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Umaasa ang Obispo na natuto rin ang mga Pilipino ngayong halalan sa pamamagitan ng kanilang boto ay nararapat na bigyan ng pagpupuri at kadakilaan ang Panginoon.
Ito ay upang magkaroon ng kaliwanagan sa mga susunod pang halalan at maiboto ang mga kumakandidato na may tunay na takot sa Diyos upang paglingkuran ang nakakarami

“Ngayon sa pagdiriwang sa Mayo 13 balikan po natin ang Mensahe ng Birheng ng Fatima sa mga batang pastol na sina Lucia, Francesco at Jascinta ay patuloy na nagtatanong sa atin, do you wish to offer your daily life to God?” (nais mo ba na ihandog ang iyong pang-araw araw na buhay sa Panginoong Diyos?), ialay po natin sa Panginoong Diyos ang ating salita at gawa na tama, totoo at tapat. Buong buhay natin para sa Kanya na mabuti, maayos at matuwid, tanggapin po ninyo ang aking pasasalamat at makakaasa po kayo ng aking pananalangin!,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Kasunod ito ng pagpapasalamat sa mga mananampalataya at volunteers ng Parish Pastoral Council For Responsible Voting sa Diyosesis ng Antipolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,164 total reads

 19,164 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,079 total reads

 106,079 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,818 total reads

 152,818 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,690 total reads

 200,690 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,737 total reads

 303,737 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top