Pagkamulat ng mga Pilipino sa problema ng labor sector, positibong resulta ng 2025 midterm elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,237 total views

Inaasahan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang higit na pagkamulat ng mga Pilipino sa mga suliranin at pangangailangan ng labor sector.

Ayon kay AMLC Minister Father Erik Adoviso, ito ang positibong resulta ng 2025-Midterm Election kung saan bagamat natalo ang mga kandidato mula sa ibat-ibang samahan sa labor sector ay lalu silang nakikilala ng mga Pilipino.

“Maayos naman po yung ating election results, bagamat siyempre ay nagtataka parin tayo yung mga survey ay hindi naman talaga sumalamin doon sa tunay na resulta at yung tunay na gusto ng tao, nagpapatunay lang na talaga kung ano ang gusto ng tao, yun ang ating dapat sundin, hindi yung survey maari nakakatulong pero siyempre ang mga mahalaga parin yung plataporma ng isang kandidato, yung programa at the same time yung kaniyang maiaalay para sa ating bayan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Adoviso.

Panalangin ng Pari na sa mga susunod na eleksyon ay mamamayani ang pananampalataya na magbibigay buhay sa pagsusulong ng demokrasya.

Ito ay upang maisulong ang tunay na halalan kung saan mabubuwag na sa lipunan ang paghahari ng political dynasties na matagal ng pinapahirapan ang mga Pilipino higit na sa mga lalawigan.

“Paano natin mawawakasan yung unang-unang mga dynasty, paano matatapos na ang mga dynasty, siyempre kailangan may kongreso na na tumingin diyan at tapusin na yung paghahari ng dynasties, pangalawa siyempre yung programa naman talaga- yung mga programang pro-people, yung talaga ang mahalaga, yung mga programang pro-people na sasagot doon sa mga hinaing ng simbayanan , At pangatlo sa bahagi natin nang simbahan kailangan pa ng malawakang paghuhubog para maituro kung ano ba talaga yung turo ng simbahan tungkol sa political participation,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Adoviso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 4,257 total views

 4,257 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 30,713 total views

 30,713 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 81,397 total views

 81,397 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 87,360 total views

 87,360 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 116,295 total views

 116,295 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top