Pakikinig at taimtim na pagninilay, pambihirang katangian ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,260 total reads

Naniniwala si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization na malaki ang maitutulong ng mga nakalipas na karanasan sa pagmimisyon ni Pope Leo XIV sa kanyang paglilingkod bilang punong pastol ng Simbahang Katolika.

Sa naging panayam ni Cardinal Tagle sa Vatican News ay ibinahagi ng Cardinal na malaki ang maaring maitutulong ng pagiging lantad ni Pope Leo XIV sa tunay na sitwasyon sa lipunan bilang gabay sa kanyang pamumuno sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon sa Cardinal, mahalaga ang mga karanasan at pagiging mulat sa mga nagaganap sa lipunan ng mga lingkod ng Simbahan upang higit na maging epektibo sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

“Without denying the primacy of grace in the ministry of Pope Leo, I believe that his human, cultural, religious and missionary background will give a unique face to his ministry. But this is true of all Popes. The Petrine ministry of strengthening brothers and sisters in the faith in Jesus, the Son of the living God, remains the same—but each Pope lives and exercises it through his unique humanity. Pope Leo’s multi-continental and multi-cultural background will surely help him in his ministry and benefit the Church.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Vatican News.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle ang buong pagmamahal at pakikiisa ng mga Katoliko sa Asya na tuwinang buo ang pagsuportang ibinibigay sa bawat Santo Papa na nagsisilbing punong pastol ng Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ng Cardinal, ang Santo Papa ay hinahangaan at minamahal hindi lamang ng mga Katoliko kundi maging ng mga Kristiyano mula sa ibang denominasyon at iba pang mga relihiyon.

“The people of Asia love the Pope as Pope, whichever country he comes from. He is loved not only by Catholics, but also by other Christians and followers of non-Christian religions.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, batay sa kanyang pagkakakilala kay Pope Leo XIV noong ito ay Prior General pa ng Order of St. Augustine ay may pambihirang kapasidad ang bagong Santo Papa upang maging bukas sa pakikinig at taimtim na magnilay bago magdesisyon kaugnay sa mahahalagang bagay at usapin.

Pagbabahagi ng Cardinal una niyang nakilala si Pope Leo XIV sa Maynila at sa Roma hanggang sila ay maging magkatrabaho sa Roman Curia noong 2023.

“I first met Pope Leo XIV in Manila and in Rome when he was still the Prior General of the Order of St. Augustine. We worked together in the Roman Curia starting in 2023. He has a deep and patient capacity for listening and engages in careful study and reflection before making a decision. The Pope expresses his feelings and preferences without imposing them. He is intellectually and culturally well-prepared, but without showing off. In his relationships, Pope Leo brings a calm warmth, shaped by prayer and missionary experience.” Ayon pa kay Cardinal Tagle.

Kaugnay nito sa ginanap na Inauguration Mass para sa pagiging opisyal na ika-267 na Santo Papa ni Pope Leo XIV ay personal na inihandog ni Cardinal Tagle ang “Fisherman’s Ring” na simbolo ng otoridad at paghalili ni Pope Leo XIV kay San Pedro, ang unang Santo Papa at mangingisda mula Galilea na pinili ni Hesus upang pangunahan ang Simbahan.

Ipinagkaloob naman ni Cardinal Protodeacon Dominique Mamberti ang pallium, isang puting balabal na gawa sa lana na kumakatawan sa tungkulin ng Papa bilang Obispo ng Roma, habang pinamunuan naman ni Cardinal Fridolin Ambongo Besungu ng Kinshasa ang panalangin matapos ang paggawad ng pallium at bago ang pagbibigay ng singsing.

Sina Cardinal Tagle, Mamberti, at Ambongo ang nagsilbi ring mga kinatawan sa kontinente ng Asya, Europa, at Africa sa makasaysayang pagdiriwang sa pagsisimula ng pontipikado ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 124,721 total reads

 124,721 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,050 total reads

 158,050 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 190,194 total reads

 190,194 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 256,257 total reads

 256,257 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 267,470 total reads

 267,470 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top