Isabuhay ang pananagutan bilang taga-pangalaga ng kalikasan, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,852 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na pagnilayan ang pananagutan ng tao bilang tagapangalaga ng kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Santos, isang dekada na ang nakalipas nang ipinaalala ni Papa Francisco na ang mundo ay hindi simpleng bagay na maaaring pagsamantalahan, kundi biyayang ipinagkatiwala ng Maykapal sa sangkatauhan.

“He urged us to listen to the cry of the poor and the cry of the earth, to recognize that our well-being is intricately tied to the well-being of our planet. In this time of reflection and renewal, let us recommit ourselves to the principles of Laudato Si’,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok ng obispo ang lahat na isabuhay ang konkretong pagkilos para sa ekolohikal na katarungan—kabilang ang pagbabawas ng basura, pagtitipid ng tubig, pangangalaga sa kagubatan, at pagsusulong ng mga patakarang makakalikasan.

Binigyang-diin din ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng espiritwalidad na ekolohikal–ang pagkilala sa presensya ng Diyos sa sangnilikha at pagtugon dito nang may pasasalamat at malasakit.

Hamon pa ng obispo sa mga parokya, paaralan, at pamayanan na maging huwaran ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapakita ng habag sa kapwa.

“I encourage all people of goodwill to take part in this mission. Let our parishes, schools, and communities be shining examples of sustainability and compassion. Let us walk together, inspired by faith and love, to safeguard this world for future generations,” ayon kay Bishop Santos.

Nilagdaan ni Pope Francis ang Laudato Si’ noong May 24, 2015, kasabay ng Linggo ng Pentekostes, at isinapubliko noong June 18, 2015 bilang kauna-unahang ensiklikal ng Simbahan na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan, ang nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 210,059 total views

 210,059 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 240,282 total views

 240,282 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 266,927 total views

 266,927 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 361,900 total views

 361,900 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 369,306 total views

 369,306 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top