Ecological conversion, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,155 total views

Nakikiisa ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng makasaysayang ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, ang paggunita sa isang dekada ng kauna-unahang ensiklikal na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan nawa’y magsilbing paalala sa lahat na ang nag-iisang tahanan ay likas na yaman at biyaya ng Diyos na dapat pakaingatan.

“We commemorate the 10th anniversary of Laudato Si’, Pope Francis’s landmark encyclical that calls us to care for our common home. This message has a great impact on us here in the Philippines, considering the beauty of our natural environment, which is deeply intertwined with the lives of our people,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng mensahe ng yumaong Santo Papa para sa mga Pilipino, lalo na sa mga pamayanang malapit sa kalikasan tulad ng mga katutubo, mangingisda, at magsasaka.

Ayon kay Bishop Mesiona, malinaw na makikita sa Pilipinas ang malalim na ugnayan ng tao at kalikasan, at sa tuwing inaabuso ito, direktang naaapektuhan ang kabuhayan at kaligtasan ng mamamayan.

“We cannot deny that the destruction of forests leads to soil erosion, impacting farmers and food security. Pollution of rivers harms fisherfolk and endangers our water supply,” dagdag ng obispo.

Pinaalalahanan din ng obispo ang publiko sa panawagan ng Laudato Si’ para sa ‘ecological conversion’ o pagbabagong-loob tungo sa mas responsableng pamumuhay.

Aniya, hindi sapat ang kaalaman, bagkus, kinakailangan ng tunay na pagsisisi, pagbabago ng pananaw, at konkretong pagkilos.

Hamon din ni Bishop Mesiona sa mamamayan, pamahalaan, at simbahan, na magtulungan sa pagtataguyod ng lipunang may malasakit sa kalikasan, bilang paghahanda sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“As we celebrate the 10th anniversary of the document, let us work together to protect our common home, ensuring a sustainable and equitable future for all Filipinos,” panawagan ni Bishop Mesiona.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 208,992 total views

 208,992 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 239,215 total views

 239,215 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 265,860 total views

 265,860 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 360,833 total views

 360,833 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 368,315 total views

 368,315 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top