Mabuting pagninilay ng mamamayan, ipinagdarasal ng Arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,481 total reads

Umaasa si Cebu Archbishop Jose Palma na matutuhan ng mamamayan ang mabuting pagninilay sa bawat napapanuod at nababasa lalo na sa online world.

Sa ginanap na Cebu Archdiocesan Media & Social Communications Fair inihayag ng arsobispo ang pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan kung saan marami ang nabibiktima ng fake news, misinformation at disinformation dahil sa kawalang panahon ng pag-unawa at pagninilay.

Binigyang diin ni Archbishop Palma ang kahalagahan ng pagninilay upang maibahagi ang mga impormasyong makabubuti sa lipunan at tuluyang mawakasan ang paglaganap ng mga maling impormasyon.

“Sometimes, people think that what they read or listen to is the truth in the world, which is not. May we be able to digest and discern everything that we read and see in the context of prayer and how or what it brings to the good of the world,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Aniya bagamat ito ay ibinahagi ng mga kilalang personalidad mahalagang unawain at magsaliksik sa mga katotohanang kaakibat ng mga ibinahaging impormasyon upang matuklasan ang tunay at wastong detalye.

Tinuran din ng arsobispo ang impluwensya ng Artificial Intelligence na kadalasang ginagamit ng mga mapanamantalang indibidwal upang linlangin at lituhin ang tao sa katotohanan.

“More so now with Artificial Intelligence, some almost swallow, hook, line and sinker. But again, Pope Leo says, this is the time for us to be able to discern and in that spirit of discernment, it would help us proclaim the message that brings hope and joy to the community,” dagdag ng arsobispo.

Ang pagtitipon ay pagdiriwang ng Archdiocesan Jubilee for Media and Social Communications kung saan nagtipon ang daan-daang volunteers’ ng social communications ministry ng mga parokya.

Kabilang sa nagbigay ng panayam sa nasabing pagtitipon sina award-winning commercial live broadcast director and country ambassador for Sony Alpha Cameras, Hollyland Wireless Technology, and Nanlite Lighting Nigel Ian Laxamana at Archdiocese Media Liaison Msgr. Joseph Tan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 23,482 total reads

 23,482 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 46,508 total reads

 46,508 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,008 total reads

 83,008 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 303,632 total reads

 303,632 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 336,938 total reads

 336,938 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top