Archdiocese of Caceres, puspusan ang paghahanda sa National Youth Day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,479 total views

Puspusan na ang paghahanda ng Archdiocese of Caceres sa nalalapit na National Youth Day sa June 10 hanggang 14, 2025.

Sa June 10, sa alas sais ng gabi isasagawa ang Day of Encounter sa mga host parishes gayundin ang Family Liturgy at hapunan kasama ang mga foster families na kukupkop sa mga delegado ng pagtitipon.

Sa June 11, ang Day of Communion, sa alas otso ng umaga magkakaroon ng Youth Coordinators’ Audience sa Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na kasalukuyang pinamumunuan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon sa St. Vincent de Paul Auditorium ng Holy Rosary Minor Seminary sa Naga City kasabay nito magkakaroon ng Parish Encounter ang mga delegado sa kani-kanilang host parishes habang sa alas dose ng tanghali ay magtutungo na sa Naga City para sa Traslacion Procession ng imahe ng Our Lady of Penafrancia sa alas 2:30 ng hapon patungong Naga Metropolitan Cathedral.

Sa alas 4:30 ng hapon isasagawa ang pormal na pagbubukas sa NYD 2025 na susundan ng Banal na Misang pangungunahan ni Archbishop Alarcon sa alas sais ng gabi.
Sa ikatlong araw, June 12, ang Day of Formation kung saan sa alas otso ng umaga magkakaroon ng National Youth Coordinating Council Meeting habang ang mga delegado ay magkakaroon ng morning prayer at misa sa mga itinalagang formation site.

Susundan ito ng preliminaries, group growth session at plenary formation sa mga formation sites habang sa ala una ng hapon isasagawa ang workshops seminar ng delegasyon.
Sa June 13 na itinalagang Day of Pilgrimage, magkakaroon ng audience ang Youth Directors sa mga opisyal ng ECY sa Our Lady of Penafrancia Minor Basilica and National Shrine habang ang ibang delegadong kabataan ay makiisa sa banal na misa bago ang kanilang community exposure sa alas nuwebe ng umaga.

Sa alas siyete ng gabi ang sama-samang hapunan ng mga delegado sa paligid ng Our Lady of Penafrancia Minor Basilica and National Shrine habang sa alas otso ang paglalagom, cultural night at closing ceremonies ng NYD 2025.

Sa huling araw ng pagtitipon ang Day of Mission isasagawa ang closing mass at pagmamanto sa alas singko ng umaga bago umuwi ang mga delegadong kabataan sa kani-kanilang mga lugar.
Una nang humiling ng panalangin si Archbishop Alarcon para sa maayos, ligtas at matagumpay na NYD 2025 kung saan inaasahan ang mahigit sa 5, 000 delegado mula sa 87 mga arkidiyosesis, diyosesis, prelatura, at bikaryato sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 24,010 total views

 24,010 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 44,991 total views

 44,991 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 67,419 total views

 67,419 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 240,714 total views

 240,714 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 216,633 total views

 216,633 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top