Filipino priests, may special audience kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,638 total reads

Kinasasabikan ng mga paring Pilipino sa Roma ang kanilang unang personal na pagkikita kay Pope Leo XIV, ang ika-267 na Santo Papa ng simbahan, sa darating na Hunyo 12.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, isang espesyal na “audience” ang inihanda kung saan makakaharap mismo ng mga pari si Pope Leo sa Vatican.

“Kami medyo excited na rin. Excited na excited. Hindi lang medyo sapagkat magkakaroon na kami ng audience. Mamimeet na rin namin ang Santo Papa, si Pope Leo bilang mga pari na naka-assign sa Roma,” ani Fr. Gaston.

Aabot sa 51 Pilipinong pari at 5 dayuhang pari na kasalukuyang naninirahan sa Collegio ang inaasahang dadalo sa naturang pagtitipon.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay isang institusyong matatagpuan sa Roma kung saan naninirahan at nagsasanay ang mga piling mga pari mula sa Pilipinas upang mag-aral ng mas mataas na kurso tungkol sa simbahan, tulad ng teolohiya, at batas ng simbahan.

“Yung ating 51 Filipino priests, yung ating 5 non-Filipino priests na kasama sa Collegio Filipino ay mamimeet yung ating Santo Papa itong June 12.”

Kamakailan lamang naihalal si Pope Leo bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pagkatapos ng kanyang eleksyon, agad siyang nagsimula sa kanyang gawain bilang Santo Papa—kabilang na ang pakikipagpulong sa media at iba’t ibang grupo sa Vatican.

Ang pagkikitang ito ay hindi lang simpleng pagbisita. Isa rin itong mahalagang sandali para sa mga paring Pilipino na matagal nang nagsisikap sa kanilang pag-aaral at misyon sa Roma

Ang audience kay Pope Leo ay inaasahang magpapatibay sa kanilang pananampalataya at magbibigay-lakas sa kanilang layunin bilang mga pari—hindi lang sa Roma, kundi sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 957 total reads

 957 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 35,637 total reads

 35,637 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 69,027 total reads

 69,027 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 105,510 total reads

 105,510 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 123,673 total reads

 123,673 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top