Alay Kapwa theme song, isasapubliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,287 total views

Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa.
Ito ang “Sa Kapwa Ko ay Alay: 50 Taon ng Pag-asa”, na isasagawa bukas, Hunyo 4, 2025, ganap na alas-10 ng umaga, sa Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Building (BGPOP) sa University of Santo Tomas, España, Manila.

Ayon sa Caritas Philippines, layunin ng gawain na hikayatin ang hindi bababa sa isang milyong Alay Kapwa partners upang ipagpatuloy ang misyon ng pagkakawanggawa at pagbabahagi para sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Tampok sa programa ang bandang Ben&Ben, sa pangunguna nina Paolo at Miguel Benjamin, kasama ang iba pang miyembro ng banda, bilang Alay Kapwa Mission Advocates.
Bukod sa pagbabahagi ng mensahe ng pag-asa at pakikiisa sa misyon ng simbahan, itatanghal din ng banda ang “Sa Kapwa Ko ay Alay”—ang official theme song para sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa, na isinulat ni Robert Labayen at nilapatan ng musika ni Jonathan Manalo.

Pagbabahagi ng Caritas Philippines, ang gawain ay hindi lamang pagdiriwang, kundi panawagan sa mas malawak na pakikiisa ng publiko, lalo na ng mga kabataan, upang maipagpatuloy ang mga proyektong panlipunan sa ilalim ng Alay Kapwa Program.

Unang ilunsad ng CBCP ang Alay Kapwa noong 1975 bilang programa tuwing Kuwaresma, upang mangalap ng tulong para sa mga nangangailangan.
Noong 2021, pinalawak ito ng Caritas Philippines sa buong taon upang suportahan ang 7 Alay Kapwa Legacy Programs na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kalikasan, pagtugon sa kalamidad, katarungan at kapayapaan at mabuting pamamahala, at kasanayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 225,354 total views

 225,354 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 255,577 total views

 255,577 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 282,221 total views

 282,221 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 377,194 total views

 377,194 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 383,657 total views

 383,657 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top