Vice Chairman ng Caritas Philippines, nagpaabot ng pagkilala kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,290 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mga mananampalataya ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan sa pagbati kay Taytay Bishop Broderick Pabillo na kinilala bilang 2025 Bishop Julio X. Labayen Memorial Awardee.

Ayon kay Bishop Alminaza na siya ring Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, karapat-dapat lamang ang naturang pagkilala para kay Bishop Pabillo na ganap na isinabuhay ang misyong ipalaganap ang Ebanghelyo kasabay ng tapat na paglilingkod sa Simbahan, lalo’t higit para sa mga mahihirap tulad ng isang tunay na propeta alinsunod sa halimbawa ni Hesus.

Pagbabahagi pa ni Bishop Alminaza, maituturing din na isang mabuting halimbawa at inspirasyon si Bishop Pabillo lalo na para sa iba pang mga lingkod ng Simbahan tulad ng mga pari, relihiyoso at mga layko, at mga kabataan upang magkaroon ng paninindigan at determinasyon na tahakin ang landas ng katarungan, awa at katapatan.

“Together with the Diocese of San Carlos, we join our voices to the faithful of the Apostolic Vicariate of Taytay in congratulating Bishop Broderick S. Pabillo, DD for being the 2025 Bishop Julio X. Labayen Memorial Awardee!” Bahagi ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, kalakip din ng naturang parangal ang pagkilala sa pambihirang determinasyon at dedikasyon ni Bishop Pabillo na isulong ang Simbahan para sa mga Dukha bilang pagsasakatuparan sa adbokasiya ng yumaong si Bishop Julio X. Labayen.

Kilala si Bishop Pabillo sa kanyang mariing pagsusulong ng katarungan panlipunan gayundin ang pangangalaga sa kalikasan at pagsisilbing boses para sa maliliit na sektor ng lipunan kabilang na ang mga katutubo at mga dukha.

“We extend our heartfelt congratulations on this well-deserved recognition of your unwavering commitment to the Gospel, your prophetic leadership, and your faithful service to the Church and the poor. Your pastoral witness continues to inspire the clergy, religious, and lay faithful — especially the youth — to walk in the path of justice, mercy, and faithfulness.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Bilang suporta ay tiniyak ni Bishop Alminaza ay pananalangin para sa patuloy na kalakasan, determinasyon at paggabay ng Banal na Espiritu kay Bishop Pabillo.

Ang Bishop Julio Xavier Labayen, O.C.D. Memorial Award ay isang parangal na iginagawad upang kilalanin ang mga organisasyon at indibidwal na may pambihirang dedikasyon at adbokasiya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga naisasantabi sa lipunan bilang pagsasakatuparan sa paninindigan ng Simbahan sa pagkakaroon ng katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad sa mahihirap na komunidad.

Ang pagiging “Church of the Poor” ng Simbahan sa Pilipinas ang naging pangunahing adbokasiya na isinulong ng yumaong si Bishop Julio X. Labayen magmula pa noong 1970’s na tuluyang tinanggap ng buong Simbahan kasunod ng Second Plenary Council of the Philippines.

Bukod dito, si Bishop Labayen rin ang naging utak at nagpasimula ng NASSA o National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at nagbuklod sa dating hiwa-hiwalay na ministeryo ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,867 total reads

 113,867 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 189,990 total reads

 189,990 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,438 total reads

 223,438 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,737 total reads

 258,737 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,807 total reads

 480,807 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top