Malawakang rehabilitasyon sa mga drug addict, ilulunsad ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,264 total reads

Inihayag ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng malawakang anti-drug strategy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rehabilitasyon ng mga hinihinalang drug addict.

Sa press briefing sa Malacañang, hinimok ni PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng droga na boluntaryong lumapit sa pulisya upang magpa-rehabilitate, at tiniyak na handang tumulong ang PNP.

Ayon sa PNP chief, ang rehabilitasyon ay mahalagang hakbang upang matigil ang drug addiction at maiwasan ang pagkakakulong ng mga drug users na handa sa pagbabago.


“Kung gusto ninyong makaiwas sa kaso at makapagbagong-buhay, lumapit kayo sa amin at magpa-rehab. Tutulungan namin kayo,”
ayon kay Torre.

Itinuturing ng PNP ang rehabilitasyon bilang mahalagang hakbang ng solusyon sa problema sa droga, ang magkasamang pagpapatupad ng batas at serbisyong pangkalusugan.

Ang pahayag ni Torre ay nagpapakita ng panibagong mukha ng kampanya kontra droga—isang kampanyang hindi lang nakatuon sa paghuli, kundi pati na rin sa pagbibigay ng pag-asa at pagkakataong magbago.

“Hindi ito iyong dating nangyayari na patay ang tao, ang nagrireklamo ay iyong pamilya – hindi ganoon. Ang hinuli mismo, buhay iyan, puwedeng kumuha ng abogado dahil iyan ay kaniyang karapatan dahil kapag inaresto ka, babasahan ka ng Miranda Rights,” ayon pa kay Torre.

Hamon din ni Torre sa mga pulis na maging mas matapang at epektibo sa paglaban sa ilegal na droga habang hinihikayat din ang publiko na magreklamo laban sa mga pulis kung may pang-aabuso.

Taong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang ipatupad ang giyera kontra droga, kung saan tinatayang may higit sa 20 libo ang napaslang ayon sa tala ng mga human rights group.

Sa parehong panahon nang inilunsad ng simbahan ang church-based drug rehabilitation bilang tugon sa malawakang problema ng bansa kaugnay sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 110,441 total reads

 110,441 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 186,721 total reads

 186,721 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 220,169 total reads

 220,169 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 255,469 total reads

 255,469 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 477,647 total reads

 477,647 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top