Pagdinig sa impeachment case laban kay VP Duterte, moral na obligasyon ng mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,608 total views

Naniniwala si Program Paghilom President and Founder Fr. Flavie Villanueva SVD na ang pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ay isang moral na obligasyon na dapat na tupdin ng mga Senador.

Ito ang mensahe ng Pari sa nalalapit na impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte sa mga alegasyon ng pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong, katiwalian sa kaban ng bayan at iba pang mabibigat ng krimen.

Ayon kay Fr. Villanueva, “IMPEACHMENT IS IMPERATIVE. IMPEACHMENT IS A MORAL OBLIGATION. Impeachment Delayed, Justice Denied.”

Binigyan-diin ng Pari na ang pagpapaliban o pag-antala sa nasabing impeachment trial ay maituturing ding pagtanggi sa pagbibigay ng karatungang panlipunan lalo na sa mga mamamayang umaasa ng maayos at matapat na paglilingkod mula sa mga opisyal ng bayan na inihalal upang pamunuan ang pamahalaan.

Iginiit ni Fr. Villanueva, bahagi ng tungkuling sinumpaan ng mga senador ang pangalagaan ang mga pambansang patakaran at kinabukasan sa pamamagitan ng ganap na pagpapatupad ng mga batas na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

Pagbabahagi ng Pari, hindi dapat hayaan ang sinuman lalo’t higit ang mga opisyal ng pamahalaan na hamakin o isantabi ang mga batas na nasasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na siyang nagsisilbing haligi ng demokrasyang umiiral sa bansa.


“Senators are called to safeguard our nation’s sacred laws, as they shape our national policies and future. But when they (senators) turn a blind eye on justice & human rights in favor of the perpetrators, morality is compromised. In effect, callousness and malevolence reigns supreme. We cannot allow our national leaders to further disdain our constitution, our Faith and our dwindling democracy!”
Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Matatandaang ika-5 ng Pebrero, 2025 ng inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreaso ang impeachment laban kay Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas habang patuloy pa ring inaantabayan ang pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,297 total views

 226,297 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,520 total views

 256,520 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,164 total views

 283,164 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,137 total views

 378,137 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,550 total views

 384,550 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top