Mamamayan, inaanyayahan sa Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,384 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Pilipino na makiisa sa Segunda Mana Bazaar para sa kinabukasan ng mga mahihirap lalu ang mga Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Scholars.

Inihayag ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga preloved items na tampok sa Segunda Mana Bazaar sa Trinoma Mall Quezon City ay matutulungan ang Social Arm na makalikom ng sapat na pondo sa pagpapaaral ng mga YSLEP Scholars.

“Magkita-ikita po tayo rito, napakarami pong mabibili dito, murang-mura siyempre Segunda Mana, At siyempre ang ating mapagbebentahan ay makakatulong sa ating kalikasan, sa edukasyon ng mga bata, sa ating YSLEP Program at sa ating mga mothers na nag uukay-ukay, kaya pumunta po tayo June 06 to 8 dito sa Segunda Mana Bazaar,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Ibinahagi naman ni SANLAKBAY Priest-in-Charge Fathre Bobby Dela Cruz na tampok sa bazaar ang mga kalidad at branded na preloved items.

“Ako po si Father Bobby Dela Cruz ng SANLAKBAY Program, ang Drug rehab program ng Archdiocese of Manila, ako rin ay taga Tondo, sa Tondo mayroong kaming bagong hashtag, ANAK MAHIRAP, PORMANG MAYAMAN, so nagiging posible ito dahil pwede kaming kumuha dito sa Segunda Mana, pwede kaming maging pormang mayaman kahit mahirap, kaya po tangkilikin po n atin ang Segunda Mana,” ayon sa panayam ni Fr.Dela Cruz sa Radyo Veritas.

Sinuportahan ng Quezon City Local Government Unit at mga Beauty Queens ang Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar 2025.

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na malaki ang naitutulong ng mga katulad na gawain ng Caritas Manila sa kabuhayan ng mga mahihirap na benepisyaryo.

“Inaanyayahan ko po ang lahat na dumako dito sa Trinoma 4th floor cinema lobby para po tunghayan ang atin pong Segunda Mana Bazaar ng Caritas Manila, marami po kayong matatagpuan na magagandang preloved items, mga household goods at mga textiles na mga damit at marami pang iba, mga laruan, mga gamit sa bahay, lahat ng mga hinahanap niyo ay naandito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mayor Belmonte.

Binigyan naman ni Miss ECO International 2025 Ms.Alexie Mae Caimoso Brooks na nabibigyan ng pagkakataon ng Caritas Manila bazaar ang mga mahihirap na kabataan na mabago ang takbo ng kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

“Hi Everyone! It’s Alexie Mae Caimoso Brooks your Miss Eco International 2025 and today we’re here at Caritas in here Trinoma Mall, we are doing this Charity Event and I highly encourage to come here visit, try to buy something if you actually need something to help the people and off course to help the kids who needed it the most, thank you all so much in advance, please come and visit,” ayon pa sa panayam ng Rayo Veritas kay Brooks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 55,545 total views

 55,545 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 64,909 total views

 64,909 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 91,365 total views

 91,365 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 139,773 total views

 139,773 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 141,026 total views

 141,026 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top