Pagtalikod ng DENR sa tungkulin, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,538 total reads

Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang bagong polisiya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong buksan ang 1.2 milyong ektarya ng ‘denuded’ o kalbong kagubatan sa pamumuhunan ng mga pribadong korporasyon.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, ang nasabing hakbang ay tahasang pagtalikod sa tungkulin ng DENR na pangalagaan at ibalik ang yaman ng kalikasan, alinsunod sa 1987 Constitution.

“To give private and profit-driven corporations millions of hectares of forest land is a betrayal of this mandate,” pahayag ni Garganera.

Dagdag pa ng ATM, ang pag-amin ng DENR na bigo ang kanilang National Greening Program (NGP) ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa kakayahan ng kagawaran sa pagpapatupad ng mga tunay na pagsisikap para mapanumbalik ang mga kagubatan.

Iginiit ni Garganera na sa halip na itama ang mga pagkukulang, pinili ng pamahalaan na ipaubaya ito sa mga interesadong negosyante.

Binatikos din ng ATM ang mga patakaran ni DENR Secretary Raphael “Popo” Lotilla, na maaaring magdulot ng higit pang pang-aabuso sa kalikasan kung mapupunta sa mga makapangyarihang korporasyon ang pamamahala sa kagubatan.

“If this is symptomatic of the direction that Sec. Raphael “Popo” Lotilla intends to steer DENR, then we can expect more environmental violations from large companies who are linked with powerful politicians, and more environmental issues to erupt in various localities,” ayon kay Garganera.

Nagbabala rin ang grupo sa posibilidad na mas maraming pamayanan ang malalagay sa panganib mula sa mga sakunang dulot ng pagbabago ng klima—tulad ng malalakas na bagyo, pagbaha, at tagtuyot.

Bukod pa rito, lalabas na hindi tumutupad ang Pilipinas sa mga pandaigdigang kasunduan para labanan ang climate change, tulad ng Paris Agreement.

Una nang nagbabala si Pope Francis sa kanyang Laudate Deum laban sa mga pribadong kumpanyang kadalasang ginagamit ang greening o reforestation bilang anyo ng greenwashing—isang panandaliang solusyon na maganda lamang sa salita, ngunit hindi ganap na napapangalagaan ang kalikasan at ang kapakanan ng mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 38,565 total reads

 38,565 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 124,241 total reads

 124,241 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 170,978 total reads

 170,978 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 218,850 total reads

 218,850 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 321,004 total reads

 321,004 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,171 total reads

 169,171 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top