Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,576 total reads

Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na kasalanan dahil sa pagsasantabi sa katotohanan.

Ayon sa Arsobispo na dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maituturing na kasalanan ang pagtatakip sa katotohanan dahil karapatan ng sambayanan na malaman ang katotohanan lalo na sa pondo ng bayan na dapat ay para sa mga programa at serbisyo publiko.

Paliwanag ni Archbishop Villegas, ang pagtatakip sa katotohanan ay isa ring uri ng pagnanakaw dahil sa pagtatago ng katotohanan mula sa publiko.

“To delay the trial or even to abort it is to suppress the TRUTH. It is a sin. The opponent, the devil, is rightly called Prince of Lies. It is a sin to suppress or conceal the truth. The nation has a right to the truth that can only be established by law and evidence. To deprive the people of the full truth is a form of robbery. It is keeping something not yours. It is a sin.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.

Giit ng Arsobispo, hindi katanggap-tanggap ang pagtatago ng katotohanan para sa pansariling kapakanan lalo na kung taliwas ito sa tungkuling kanilang sinumpaan na kaakibat ng kanilang posisyon at katungkulan sa pamahalaan.

“When motivated by selfish ambition and the prioritization of personal desires, gratification and comfort, the delay of the process of pursuing the TRUTH is a sin. It smacks of negligence and laziness. Not to pursue the truth when you have the capacity to know it FORTHWITH is a grave sin of omission. It is morally unacceptable.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Pagbabahagi ni Archbishop Villegas, bahagi ng tungkulin at mandato ng mga Senador ang pagsusulong ng Pambansang Konstitusyon na nagsisilbing sandigan ng demokrasya ng bansa.

Ayon sa Arsobispo ang pagtanggi sa pagbibigay ng karatungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasakatuparang ng impeachment trial kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian ng pangalawang pangulo ng bansa ay isang pagtataksil lalo na sa mga mamamayang umaasa ng maayos at matapat na paglilingkod mula sa mga opisyal ng bayan na inihalal upang pamunuan ng pamahalaan.

Matatandaang ika-5 ng Pebrero, 2025 ng inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreaso ang impeachment laban kay Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas habang patuloy pa ring inaantabayan ang pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 106,405 total reads

 106,405 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 141,145 total reads

 141,145 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 175,279 total reads

 175,279 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 231,683 total reads

 231,683 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 34,076 total reads

 34,076 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top