Manipulasyon ng mga Senador sa impeachment complaint ni VP Duterte, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,216 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang Korte Suprema — at hindi ang Kongreso — ang may kapangyarihang humusga kung may legal na depekto ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, kung may nakikitang legal na pagkukulang ang ilang senador sa reklamo, dapat ay hayaan ang Korte Suprema ang magpasya ukol dito.

“If there is a legal infirmity in the impeachment complaint as alleged by some senators, they should know that matters of law is not decided by Congress but by the Supreme Court,” ayon sa pari.

Binatikos din ni Fr. Secillano ang ilang senador na tila minamadali ang proseso at nagpapakita ng malinaw na manipulasyon sa impeachment proceedings.

Dagdag pa ni Fr. Secillano, “What some senators did is absurd. It’s obvious that they are manipulating the impeachment process.”

Binigyang-diin ng pari ang paalala ng CBCP na kapag ang pulitika ay ginagamit lamang para sa pansariling interes, nauuwi ito sa pagmamanipula at pang-aabuso ng kapangyarihan.

“The CBCP said it aptly, ‘when politics serves only partisan interests, it degenerates into manipulation,” ayon pa sa pari.

Iginiit ni Fr. Secillano, ang layunin ng impeachment ay panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan alinsunod sa Saligang Batas.

Sa kabila ng gulo sa pulitika, umaasa ang Simbahan na mananaig pa rin ang katotohanan, katarungan, at kapakanan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,670 total reads

 59,670 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,732 total reads

 138,732 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,177 total reads

 172,177 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,475 total reads

 207,475 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,581 total reads

 431,581 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top