Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,703 total reads

Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National Youth Day 2025.

Ayon kay Caceres Family Ministry Director Fr. William Santiago kabilang sa inihandang programa ng arkidiyosesis para sa 8, 000 delegado ng NYD ang family encounter sa mga host families.

Sinabi ng pari na nawa’y sa pamamagitan nito ay magkaroon ng pagkakataon ang mga delegado na matutuhan ang pamumuhay ng mga pamilyang Bicolano na maaring kapupulutan ng aral ng mga kabataan. “I hope that this encounter with Bicolano families would also enrich the experience ng mga kabataan galing sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas and it will have an impact on the lives and faith of our young ones, particularly the delegates of NYD 2025,” bahagi ng pahayag ni Fr. Santiago sa Radyo Veritas.

Sa unang araw ng NYD ay nagkaroon ng Family Encounter kung saan kabilang sa gawain ang Family Liturgy at sama-samang hapunan at pakikipagkilala ng host families sa mga kinakanlong na delegado.

Bukod dito naniniwala rin si Fr. Santiago na magbubunga ng paglago sa bokasyon ang pagtitipon ng mga kabataan lalo’t higit kinakailangan ng simbahan ang mga indibdiwal na nakahandang maglaan ng kanilang sarili sa paglilingkod sa kawan ng Panginoon. “I believe that certain occasions like National Youth Day, World Youth Days, these are occasions wherein mas nabubuhayan yung buhay pananampalataya ng mga kabataan so we are indeed hoping na this will bring fruits particularly sa increase ng bokasyon sa pagpapari o sa religious life,” dagdag pa ni Fr. Santiago.

Gayunpaman ipinagkatiwala ng pari sa Panginoon at sa gabay ng Espiritu Santo ang mabubuting bungang maidudulot ng isang linggong pagbubuklod ng mga kabataan sa Pilgrim City of Naga kung saan nakadambana ang imahe ng Our Lady of Penafrancia na patrona ng Bicolandia.

Sa datos na inilabas ng Vatican may kabuuang 407,730 ang mga pari sa buong mundo kung saan 279,171 ang diocesan priests habang 128,559 ang mga religious. Sa Pilipinas mayroon lamang humigit kumulang 11, 000 mga pari na nagpapastol sa mahigit 80-milyong katoliko o katumbas sa isang pari para sa walong libong mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,444 total reads

 57,444 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,664 total reads

 136,664 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,109 total reads

 170,109 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,407 total reads

 205,407 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,606 total reads

 429,606 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top