Diocese of Lucena, naninindigan laban sa maruming enerhiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,855 total reads

Muling nanindigan ang Diyosesis ng Lucena laban sa paggamit ng maruming enerhiya kasabay ng paggunita ng mamamayan ng Atimonan at karatig-bayan sa Quezon sa isang dekada ng paninindigan laban sa pagtatayo ng fossil gas power plant sa lalawigan.

Ayon kay Quezon for Environment at Lucena Diocesan Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, sampung taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin naitatayo ang proyektong Atimonan One Energy, patunay ng matatag na pagtutol ng simbahan at sambayanan para sa malinis, ligtas, at makatarungang enerhiya.

“Sampung taon na ang nakalipas… ni isang poste ng planta ay wala pang naitayo—patunay na nananatiling buhay at matatag ang pagtutol ng mga tao, ng simbahan, at ng sambayanan para sa kalikasan at kinabukasan,” pahayag ni Fr. Puno.

Pagbabahagi ng pari, ang usaping pangkalikasan sa lalawigan ay hindi isinantabi ng diyosesis bagkus, binigyang-pansin at mariing tinutulan ang mga mapaminsalang proyektong makakaapekto sa kalikasan at buhay ng tao.

Dagdag ni Fr. Puno, ang pagtutol ng Simbahan ay hindi simpleng pananaw laban sa isang proyekto, kundi moral na paninindigang nakaugat sa ebanghelyo—ang pagpanig sa kalikasan, sa mahihirap, at sa buhay.

“Ang simbahan ay simbahan ng mga dukha at para sa mga dukha. Hindi maaaring tumahimik ang simbahan kapag ang kabuhayan ng mangingisda ay nanganganib, kapag ang hangin at tubig ay malalason, kapag ang kalikasan—ang tahanan ng lahat—ay sinisira para sa kita ng iilan. Ang maruming enerhiya ay hindi lang usapin ng teknolohiya; ito ay usapin ng buhay, katarungan, at pananampalataya,” giit ni Fr. Puno.

Bukod dito, inalala rin ng pari ang pagkakatatag sa Quezon for Environment, isang malawak na pagtutulungan ng simbahan, mamamayan, at iba’t ibang sektor na naging pangunahing tinig sa pagtutol sa proyekto sa nakalipas na sampung taon.

Binigyang-diin naman ni Fr. Puno, na hindi pa tapos ang laban dahil nananatili pa ring banta ang pagtatayo ng planta, kaya’t mas kailangang paigtingin ang panawagan para sa renewable energy bilang tugon sa lumalalang krisis sa klima at kakulangan sa enerhiya sa bansa.

“Huwag natin hayaang muling sakupin ng maruruming industriya ang ating lalawigan. Ang Quezon ay para sa kalikasan. Ang Quezon ay para sa kinabukasan… Ang Simbahan ay mananatiling kasama, kakampi, at tagapagtanggol ng sangnilikha—sapagkat ang ating Diyos ay Diyos ng buhay, hindi ng pagkasira,” ayon kay Fr. Puno.

Kabilang sa mga naging gawain sa pagdiriwang ang Banal na Misa sa Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na sinundan ng lakad-dasal patungong Bay Park, kung saan sinalubong ng mga mangingisda ang mga lumahok sa pamamagitan ng isang fluvial procession, bilang sagisag ng pagkakaisa ng lupa at dagat sa laban para sa kalikasan.

Tema ng pagdiriwang ang “Isang Dekada ng Pakikibaka: Laban Para sa Malinis na Enerhiya at Inang Kalikasan”, na kasabay ng pagdiriwang sa World Environment Day noong June 5, 2025, na layong pagbuklurin ang mamamayan sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan—ang inang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,434 total reads

 32,434 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,126 total reads

 69,126 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,337 total reads

 87,337 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,665 total reads

 171,665 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,582 total reads

 207,582 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,955 total reads

 80,955 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top