Impeachment trial, isang moral na tungkulin ng mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,336 total reads

Sa gitna ng paggunita sa ika-127 Araw ng Kalayaan at Kapistahan ni Hesus na Walang Hanggan at Dakilang Pari, nanindigan ang grupong Clergy for Good Governance para sa katarungan, pananagutan, at katotohanan, sa pamamagitan ng isang mapayapang pagtitipon at pagdiriwang ng Misa na dinaluhan ng mga pari, madre, at mga mananampalataya.

Pinangunahan ang misa ni Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias, kasama sina Fr. Nelson Orquieta ng Cubao, Fr. Joel Saballa ng Novaliches, Fr. Danny Pilario ng Adamson University, at Msgr. Danny Bituon ng San Pablo. Nakiisa rin ang mga religious sisters at iba’t ibang sektor ng simbahan sa panalangin para sa bayan.

Sa kanilang pahayag, inalala ng mga pari ang mga makasaysayang sandali kung saan ang mga Pilipino ay nanindigan para sa kabutihang panlahat.

“These days recall moments in our history when Filipinos, with courage and convictions, stood for the common good. Then, as now, we are called to walk in the Spirit of Justice and Truth,” bahagi ng pahayag ng CGG.

Mariin nilang iginiit na ang impeachment trial na kasalukuyang kinahaharap ng bansa ay isang pagsubok sa konsensiya at paninindigan sa batas. Ayon sa grupo, hindi ito dapat ituring na larong pampulitika kundi isang moral na tungkulin. Binigyang-diin din ng grupo na ang anumang pag-antala o tahimik na pakikitungo sa usapin ay anyo ng pakikiisa sa kawalang-katarungan.

“We strongly condemn the unconstitutional remanding of the impeachment complaint to the House of Representatives – a co-equal body,This action defies the Constitution and disrupts the sacred balance of power vital to a functioning democracy,” ayon pa sa pahayag.

Bilang simbolo ng pananalig at pagkakaisa, bitbit ng mga dumalo ang mga watawat ng Pilipinas at kandila na sinindihan sa misa. Ipinahayag ng grupo na ito ay sagisag ng pagmamahal sa bayan, panalangin, at pag-asa para sa isang bansang muling babangon sa liwanag ng katotohanan at katarungan.

May this Independence Day be a moment of grace, renewal, and moral courage.

Sa huli, nanawagan ang Clergy for Good Governance sa kapwa nila mga lingkod ng simbahan at sa sambayanang Pilipino.

“We call on our fellow clergy, religious and people of goodwill: Let us no grow weary of doing what is right. Let us walk with the people, not in partisanship, but in pastoral solidarity. Let us be witnesses to the light, especially when darkness threatens to prevail.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,819 total reads

 28,819 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,757 total reads

 65,757 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,968 total reads

 83,968 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,296 total reads

 168,296 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,354 total reads

 204,354 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top