Maging saksi sa dakilang habag at awa ng panginoon, makiisa sa PACOM 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,870 total views

Inaanyayahan ng pamunuan ng Philippine Apostolic Congress on Mercy (PACOM) ang mananampalataya lalo na ang mga deboto ng Divine Mercy na makiisa sa PACOM 2025.

Ayon kay PACOM Steering Committee Member Dr. Catherine Zamora layunin ng pagtitipon na maranasan ng tao ang dakilang habag at awa ng Panginoon na nagbibigay ng pag-asa lalo ngayong nahaharap sa iba’t ibang pagsubok ang mundo.

“Wini-welcome namin lahat ng devotees, mga apostolates ng Divine Mercy Philippines o sa ibang bansa to register and attend this 3-day congress, nais namin na lahat ay magkaroon ng powerful experience ng God’s mercy and join the faithful in a transformative journey of faith and renewal,” pahayag ni Zamora sa Radyo Veritas.

Isasagawa ang PACOM 2025 sa University of Southeastern Philippines Gymnasium sa Davao City sa August 28 hanggang 30.

Pagninilayan sa pagtitipon ang temang ‘Divine Mercy Our Hope, Embracing God’s Merciful Love’ na tugma rin sa pagdiriwang ng Jubilee Year Pilgrims of Hope.

Tampok sa tatlong araw na pagtitipon ang pitong mga panayam sa iba’t ibang paksa gayundin ang adoration at pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Kabilang sa magbibigay ng panayam sina Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao; Bacolod Bishop Patricio Buzon, Fr. Ronaldo Galvan, DCK; Fr. Jay Hector Lituanas, A.A; Fr. Prospero Tenorio, Fr. James Cervantes, MIC; Fr. Jose Junar De La Victoria, JCD, OFS; at, Fr. Joel De Los Reyes.

Magbabahagi naman ng kanilang testimonials ang mga deboto na sina Manuel Maban, Dr. Catherine Zamora, habang pangungunahan naman nina Davao Archbishop Romulo Valles at Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang mga pagdiriwang ng banal na misa sa 3-day congress.

Target ng pamunuan ng PACOM 2025 ang 3, 000 delegado kung saan sa kasalukuyan ay naabot na ang kalahati ng bilang sa mga nagparehistrong dadalo sa congress.

Patuloy na inaanyayahan ni Zamora ang mananampalataya na magpatala sa pamamagitan ng pagbisita sa official Facebook Page na PACOM 2025 kung saan mayroong itong registration fee na P4, 500 para sa conference kit.

Maaring magpadala sa pamamagitan ng BPI sa account name Apostolates of Mercy Archdiocese of Davao, account number 2883-0782-52.

Ayon kay Zamora itinaon din ang PACOM 2025 sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City upang maitampok sa mga delegado ang mayamang kultura ng lungsod.

“Of course, we have a lot to offer to our delegates, like the cultural show on the first day and the Kadayawan,” ani Zamora.

Matatandaang noong nakalipas na taon ng isagawa sa Cebu ang ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy na dinaluhan
ng limang libong deboto ng Divine Mercy mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa sa Asya.

Huling ginanap ang PACOM noong 2019 sa San Juan Manila at muling maisasagawa makalipas ang anim na taon dahil na rin sa pandemya noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 40,287 total views

 40,287 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 46,416 total views

 46,416 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 76,558 total views

 76,558 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 96,212 total views

 96,212 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 115,271 total views

 115,271 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top