Cardinal Advincula, pangungunahan ang paggunita sa ika-20 taon ng kamatayan ni Cardinal Sin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,187 total reads

Gugunitain ng Archdiocese of Manila ang ika-20 anibersaryo ng kamatayan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa June 21.

Magkaroon ng pagdiriwang ng banal na misa sa alas 7:30 ng umaga sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Inaanyayahan ang mamamayan na makiisa sa pagdiriwang at pag-aalala sa yumaong cardinal na tanyag sa kanyang adbokasiyang paninindigan para sa kalayaan ng mga Pilipino mula sa umiiral na Batas Militar.

Kasunod ng banal na misa ay babasbasan ni Cardinal Advincula ang libingan ng namayapang arsobispo sa crypt ng Manila Cathedral.

Si Cardinal Sin ay isa sa pangunahing personalidad sa 1986 EDSA People Power Revolution na tinaguriang ‘bloodless revolution’ sa buong mundo dahilan upang mawakasan ang dalawang dekadang pamumuno ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kasaysayan nanawagan si Cardinal Sin sa mga Pilipino sa pamamagitan ng Radio Veritas kung saan hinimok itong magtungo sa EDSA upang suportahan ang mga grupong umaaklas sa rehimeng Marcos dahilan upang magtipon ang mamamayan at matagumpay na nasupil ang diktaduryang pamahalaan.

Ang namayapang cardinal ay nanilbihan sa arkidiyosesis nang halos tatlong dekada makaraang maitalagang arsobispo noong 1974 hanggang magretiro noong 2003 habang pumanaw naman noong June 21, 2005 dahil sa karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 121,223 total reads

 121,223 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 196,953 total reads

 196,953 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 230,401 total reads

 230,401 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 265,700 total reads

 265,700 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 487,452 total reads

 487,452 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top