Diyosesis ng Cabanatuan, nagbabala sa publiko laban sa ‘nagpapanggap’ na paring Katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,297 total reads

Pinag-iingat ng Diocese of Cabanatuan ang publiko sa nagpapakilalang pari ng simbahang katolika na nagngangalang Ed Jerios na nagdiriwang ng mga banal na misa at sakramento sa ilang lugar na sakop ng diyosesis.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya Jr., nagpakilala si Jerios bilang pari ng Diocese of Iligan.

Ngunit sa pakikipag-ugnayan sa Diocese of Iligan napag-alamang walang pari ang diyosesis sa naturang pangalan maging sa pinakabagong Catholic Directory of the Philippines.

“In lights of these, we wish to clarify that Mr. Ed Jerios is neither an ordained Catholic priest of the Diocese of Iligan nor a member of any diocese or religious congregation here in the Philippines,” bahagi ng pahayag ni Cabanatuan Chancellor Fr. Sedfrey Calderon.

Dahil dito lahat ng mga liturgical celebrations at maging ang mga iginawad ng sakramento ni Jerios ay walang bisa at hindi pinahihintulutan.

Iginiit din ng diyosesis na ang mga banal na misa ay pinahihintulutan lamang sa mga parokya at barangay chapels at patuloy na pinag-iingat ang mamamayan sa pakikipag-ugnayan kay Jerios.

Paalala rin nito sa publiko na ugaliing beripikahin ang pagkakilanlan ng mga iimbitahing pari na magdiriwang ng banal na misa o mga sakramento upang matiyak na ito ay lehetimong pari ng Roman Catholic Church.

“Please be reminded that it is a standing policy of the diocese that a valid celebret must always be produced by any individual claiming to be a Catholic priest prior, to being allowed to celebrate the Holy Mass or preside any liturgical celebration within the diocese,” ani Fr. Calderon.

Ang celebret ay opisyal na dokumentong ibinibigay ng obispo sa mga pari na nagpapatunay na may pahintulot itong magsagawa ng mga pagdiriwang at sakramento lalo na sa labas ng ecclesiastical jurisdiction.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 118,971 total reads

 118,971 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 194,800 total reads

 194,800 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,248 total reads

 228,248 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 263,547 total reads

 263,547 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,388 total reads

 485,388 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top