Cardinal Advincula, pangungunahan ang paggunita sa ika-20 taon ng kamatayan ni Cardinal Sin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,171 total reads

Gugunitain ng Archdiocese of Manila ang ika-20 anibersaryo ng kamatayan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa June 21.

Magkaroon ng pagdiriwang ng banal na misa sa alas 7:30 ng umaga sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Inaanyayahan ang mamamayan na makiisa sa pagdiriwang at pag-aalala sa yumaong cardinal na tanyag sa kanyang adbokasiyang paninindigan para sa kalayaan ng mga Pilipino mula sa umiiral na Batas Militar.

Kasunod ng banal na misa ay babasbasan ni Cardinal Advincula ang libingan ng namayapang arsobispo sa crypt ng Manila Cathedral.

Si Cardinal Sin ay isa sa pangunahing personalidad sa 1986 EDSA People Power Revolution na tinaguriang ‘bloodless revolution’ sa buong mundo dahilan upang mawakasan ang dalawang dekadang pamumuno ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kasaysayan nanawagan si Cardinal Sin sa mga Pilipino sa pamamagitan ng Radio Veritas kung saan hinimok itong magtungo sa EDSA upang suportahan ang mga grupong umaaklas sa rehimeng Marcos dahilan upang magtipon ang mamamayan at matagumpay na nasupil ang diktaduryang pamahalaan.

Ang namayapang cardinal ay nanilbihan sa arkidiyosesis nang halos tatlong dekada makaraang maitalagang arsobispo noong 1974 hanggang magretiro noong 2003 habang pumanaw naman noong June 21, 2005 dahil sa karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,000 total reads

 233,000 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,731 total reads

 264,731 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,555 total reads

 366,555 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,118 total reads

 407,118 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,161 total reads

 418,161 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top