Diyosesis ng Cabanatuan, nagbabala sa publiko laban sa ‘nagpapanggap’ na paring Katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,258 total reads

Pinag-iingat ng Diocese of Cabanatuan ang publiko sa nagpapakilalang pari ng simbahang katolika na nagngangalang Ed Jerios na nagdiriwang ng mga banal na misa at sakramento sa ilang lugar na sakop ng diyosesis.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya Jr., nagpakilala si Jerios bilang pari ng Diocese of Iligan.

Ngunit sa pakikipag-ugnayan sa Diocese of Iligan napag-alamang walang pari ang diyosesis sa naturang pangalan maging sa pinakabagong Catholic Directory of the Philippines.

“In lights of these, we wish to clarify that Mr. Ed Jerios is neither an ordained Catholic priest of the Diocese of Iligan nor a member of any diocese or religious congregation here in the Philippines,” bahagi ng pahayag ni Cabanatuan Chancellor Fr. Sedfrey Calderon.

Dahil dito lahat ng mga liturgical celebrations at maging ang mga iginawad ng sakramento ni Jerios ay walang bisa at hindi pinahihintulutan.

Iginiit din ng diyosesis na ang mga banal na misa ay pinahihintulutan lamang sa mga parokya at barangay chapels at patuloy na pinag-iingat ang mamamayan sa pakikipag-ugnayan kay Jerios.

Paalala rin nito sa publiko na ugaliing beripikahin ang pagkakilanlan ng mga iimbitahing pari na magdiriwang ng banal na misa o mga sakramento upang matiyak na ito ay lehetimong pari ng Roman Catholic Church.

“Please be reminded that it is a standing policy of the diocese that a valid celebret must always be produced by any individual claiming to be a Catholic priest prior, to being allowed to celebrate the Holy Mass or preside any liturgical celebration within the diocese,” ani Fr. Calderon.

Ang celebret ay opisyal na dokumentong ibinibigay ng obispo sa mga pari na nagpapatunay na may pahintulot itong magsagawa ng mga pagdiriwang at sakramento lalo na sa labas ng ecclesiastical jurisdiction.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 37,868 total reads

 37,868 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 72,543 total reads

 72,543 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 101,649 total reads

 101,649 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 138,131 total reads

 138,131 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 154,051 total reads

 154,051 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top