DSWD, nakahandang makipagtulungan sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,253 total reads

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development – National Authority for Child Care (DSWD-NACC) ang kahandaang makipagtulungan sa simbahang katolika upang higit na mapalaganap ang adbokasiya sa legal adoption at pagsugpo sa online baby selling.

Ito ang tiniyak ni NACC Deputy Executive Director for Operations and Services Rowena Macalintal sa pagdiriwang ng Adoption and Alternative Child Care Week.
Aminado si Macalintal na kinakailangan ang tulong ng simbahan sa pagtataguyod ng ikakabuti at kapakanan ng mga batang inaabuso, inabanduna at nauulila.

“Kailangan po natin ng tulong ng lahat ng mga sektor ng ating lipunan para sama-sama pong labanan ang lahat ng uri ng illegal adoption mapa-independent placements, pagta-tamper po ng birth certificates, online baby selling yan po yung mga palasak ng mga uri ng illegal adoption na nangyayari ngayon at yan po ay sama-samang lalabanan,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Macalintal.

Kailangan din ng NACC ang tulong ng iba pang sektor at mga Non-Government Organizations (NGOs) upang higit na mapalawig ang pagtulong sa mga bata o sanggol na makahanap ng mapagmahal na tahanan.

Katuwang sa paglaban sa illegal adoption ay ang Philippine National Polices Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).
Hinimok ng NACC ang concerned citizens na magpapunta at inulat sa mga Regional Alternative Child Care Offices ang mga pang-aabuso upang malabanan ang online baby selling at online child trafficking.

Inihayag naman ni PNP Women and Children Protection Center Assistant Chief Police Colonel Isagani Fetizanan na bukas ang mga hotlines ng PNP tulad ng 9-1-1 at mga number sa Globe bilang 0-9-6-6-7-2-5-5-9-6-1 at Smart bilang 0-9-2-0-9-0-7-1-7-1-7 upang tumanggap ng mga sumbong laban sa Online Baby Sellers at Child Traffickers.
Naunang nanawagan si Pope Francis na labanan ang human trafficking at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga bata dahil sila ay biyaya ng Panginoon habang isinusulong ng CBCP ang sama-samang pagkilos laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan higit na ang child trafficking.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 13,544 total reads

 13,544 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 100,824 total reads

 100,824 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 147,564 total reads

 147,564 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 195,436 total reads

 195,436 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 298,907 total reads

 298,907 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top