Pagpupunyagi sa pag-aaral ng mga mag-aaral, panalangin ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,492 total reads

Ipinapanalangin ng youth ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkakaroon ng sigasig ng mga kabataan na magpursige sa kanilang pag-aaral.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa pagsisimula ng pasukan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa noong ika-16 ng Hunyo, 2025.

Ayon sa Arsobispo, nawa sa muling pagsisimula ng pasukan ay magkaroon ng lakas, sigasig at tiyaga sa pag-aaral ang mga kabataan upang maabot ang kanilang mga pangarap at magandang kinabukasan sa buhay.

“Sa mga kabataan sa muling pagsisimula ng pasukan, nawa’y magkaroon kayo ng lakas, sigasig at tiyaga upang gampanan ang inyong tungkulin bilang mga mag-aaral upang maabot ang inyong mga pangarap at upang makapag-ambag sa pagtataguyod ng inyong pamilya at bansa.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon.

Ipinaliwanag ni Archbishop Alarcon na mahalaga ang edukasyon para sa kinabukasan ng bawat isa lalo’t higit upang makapag-ambag sa pagtataguyod ng maunlad at masaganang pamilya, lipunan at maging sa Simbahan.

Kaugnay nito, una ng nagpahayag ng pagkilala si Archbishop Alarcon sa iba’t ibang mga inisyatibo upang matulungan ang mga mahihirap na kabataan na patuloy na makapag-aral tulad na lamang ng layunin ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na tumutulong sa pag-aaral ng may higit sa 5,000 mag-aaral mula sa buong bansa kada taon.
Nagsimula ang school year 2025-2026 sa mga pampublikong paaralan sa bansa noong June 16, 2025 at magtatagal hanggang March 31, 2026 kung saan binubuo ito ng 197-araw ng klase alinsunod sa DepEd Order No. 12, Series of 2025 na tanda ng pagbabalik sa pre-pandemic school calendar.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 32,497 total reads

 32,497 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 67,172 total reads

 67,172 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 96,503 total reads

 96,503 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 132,985 total reads

 132,985 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 149,236 total reads

 149,236 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top