Pag-uwi sa Pilipinas, ipinaubaya na ni PBBM sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,009 total views

Ipinapaubaya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran ang pagpapasya kung nais na nilang umuwi ng Pilipinas dulot ng rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala pa siyang nakikitang pangangailangan para sa mandatory repatriation o sapilitang pagpapauwi ng mga Pilipino mula sa Israel at Iran.

“We of course are watching our nationals both in Israel and in Iran and as a matter of fact, we have already contacted all our nationals and asked them if they want to be evacuated,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo, nasa desisyon ng mga Pilipino at sa kanilang pamilya sa mga nabanggit na bansa kung nais na nilang umuwi sa Pilipinas at ligtas pa para manatili.

Tiniyak ng Pangulo na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel at Iran, kung saan may ilan na rin ang nagpahiwatig na nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa pangambang maipit sa digmaan.

Sinabi naman ng punong ehekutibo na isa sa mga problema sa ngayon ay ang pagsasara ng ilang paliparan. Dahil dito, naghahanap na sila ng ibang ruta para makauwi ang mga Pilipino.

“But we have been able to do that and the first batch, in fact Secretary Cacdac is already on his way to Jordan para ma-coordinate both the evacuees from Israel and evacuees from Iran,” ayon pa sa punong ehekutibo.

Dagdag ni Marcos, patungo na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa Jordan upang ayusin ang paglikas ng mga kababayan nating nasa Israel at Iran
Epekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ng krudo.

“Well, again, we are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So the prices will certainly be affected,” ayon pa kay Marcos.

Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng Langis, sinabi ng Pangulo na pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang pagbibigay ng fuel subsidy, lalong lalo na sa mga namamasada at higit na apektadong sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,318 total views

 226,318 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,541 total views

 256,541 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,185 total views

 283,185 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,158 total views

 378,158 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,571 total views

 384,571 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top