Ipagdasal ang kapayapaan sa Middle East, apela ni Bishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,608 total views

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa nasasakupang mananampalataya na magbuklod sa pananalangin sa natatanging intensyon para sa kapayapaan ng Middle East.

Binigyang diin ng obispo na ang digmaan ay nagdudulot lamang ng labis na pagkawasak ng pamayanan at pagdurusa ng mamamayang apektado lalo na sa mga inosenteng sibilyan at mga bata.

“With a heavy heart, I appeal to all the faithful in the Diocese of Tagbilaran to offer daily prayers and personal sacrifices for peace in the Middle East, especially for the cessation of the escalating conflict between Israel and Iran,” ayon sa mensahe ni Bishop Uy.

Tinuran ni Bishop Uy na isa sa mga epekto ng digmaan ang pagkasira ng mga pamilya, mga paaralan at lugar dalanginan kung saan nagbubuklod ang tao para sa paghuhubog at pagpupuri sa Diyos.

Sinabi ng obispo na hindi lamang sa Middle East nararamdaman ang epekto ng digmaan kundi maging sa buong mundo.

“The violence is breeding deeper hatred and division, and its effects are being felt not just in the region, but across the world, threatening the stability of many nations and the lives of countless peoples,” giit ni Bishop Uy.

Nanindigan si Bishop Uy na sa gitna ng mga karahasang nangyayari sa mundo ay nanatiling matibay na sandata ang mga panalangin at tungkulin ng bawat kristiyano ang maging instrumento ng kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng mataimtim na pagdulog sa Diyos kasama ang Mahal na Birheng Maria ang Reyna ng kapayapaan.

Naniniwala ang pastol na sa sama-samang pananalangin at sakripisyo ng mananampalataya ay mahipo ang puso ng mga lider ng magkatunggaling mga bansa upang magkaroon ng dayalogo tungo sa pagkakasundo.

“I encourage every family, every parish, every religious community in our diocese to include in their daily intentions this prayer for peace. Let our daily Rosaries, Holy Masses, and personal offerings rise like incense before God, pleading for mercy and healing for our broken world,” dagdag ni Bishop Uy.

Sa ulat ng Israel humigit kumulang 400 balllistic missile at daang daang drones ang pinalipad ng Iran kung saan 35 rito ang nakapasok sa defensive shield ng Israel.

Iniulat naman ng Iran ang 224 na nasawi sa anim na araw na digmaan habang 24 naman sa Israel.

Pinangangambahan naman ang krisis sa suplay ng langis kasunod ng air strikes lalo’t apektado ang gas field sa South Pars na pangunahing pinagkukunan ng Iran at Qatar.

Paanyaya ni Bishop Uy sa mananampalataya na huwag mapagod sa pagdulog sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 225,448 total views

 225,448 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 255,671 total views

 255,671 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 282,315 total views

 282,315 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 377,288 total views

 377,288 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 383,746 total views

 383,746 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top