DSWD at Caritas Philippines, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,305 total views

Lumagda sa kasunduan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines upang higit na mapaigting ang pagtutulungan ng estado at simbahan sa pagtugon ng kahirapan sa lipunan.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, sa pamamagitan ng kasunduan ay higit na makatitiyak ang lahat na makakarating ang mga programa ng pamahalaan para sa mga karapat-dapat na benepisyaryo lalo’t higit ang mga nangangailangan.

Umaasa naman ang Obispo na sa pamamagitan ng kasunduan ay higit pang mapalawig ang mga programa ng pamahalaan na hindi lamang layuning makapagbigay ng ayuda kundi ganap na makatulong sa mga mahihirap na pamilya.

“This partnership with DSWD is Caritas Philippines’ way of accessing programs and resources of the government that are intended for the marginalized sectors of our society, regardless of their faith community… We hope this will expand the reach and facilitate the quick delivery of services. The character and civic formation component of the programs makes them more than just a dole out or ayuda support,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nagpahayag naman ng pagkilala si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kahalagahan ng pakikipagtulungan ng kagawaran sa mga pribadong sektor kabilang na sa Caritas Philippines na isang faith-based organization at nagsisilbing humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP upang ganap na malabanan ang kahirapan at kagutuman sa lipunan.

Pagbabahagi ni Gatchalian, mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng ahensya ng pamahalaan sa Caritas Philippines bilang katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng holistic interventions gaya ng values formation, financial literacy sessions, skills development, at character building sa bawat kliyente at benepisyaryo ng kagawaran.

“We have always believed that we can leverage on the strength and resources of the private sector, including churches, in the delivery of anti-hunger, anti-poverty, and development programs… With the help of Caritas Philippines, we will be able to ensure a holistic intervention, partnering with them in values formation, financial literacy sessions, skills development, and character building for our clients and beneficiaries.” Bahagi ng mensahe ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Gatchalian at Bishop Bagaforo ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) noong ika-18 ng Hunyo, 2025 kasama si Caritas Philippines Executive Director Father Carmelo “Tito” Caluag.

Inaasahang sa pamamagitan ng mas pinaigting na kasunduan at pagtutulungan sa pagitan ng DSWD at Caritas Philippines ay mas mapapalawak pa ng ahensya ang mga panlipunang serbisyo nito sa tulong na rin ng social action centers ng bawat diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,417 total views

 39,417 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 163,828 total views

 163,828 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,409 total views

 206,409 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 284,966 total views

 284,966 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 1,680 total views

 1,680 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top