Father Evan Villanueva, muling nahalal na Provincial Superior of the Camillian Philippine Province

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,409 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Camillian Philippine Province kay Fr. Evan Paul Villanueva, MI sa muling pagkakahalal bilang Provincial Superior ng Order of the Ministers of the Infirm Philippines sa susunod na tatlong taon.

Kasunod ito ng opisyal na liham mula kay Camillian Superior General Fr. Pedro Celso Tramontin, na muling nagtalaga kay Fr. Villanueva upang pamunuan ang mga paring Kamilyano sa bansa sa mula 2025 hanggang 2028.

“We joyfully congratulate Fr. Evan Paul A. Villanueva, MI on his re-election as Provincial Superior of the Camillian Philippine Province for the next triennium (2025–2028). May God continue to bless your ministry with wisdom, compassion, and strength as you lead the Province forward in faith and service,” paghayag ng Camillians Philippines.

Sa liham, hinikayat ni Fr. Tramontin si Fr. Villanueva na patuloy na isabuhay ang diwa ng pag-ibig at paglilingkod, sa inspirasyon at gabay ng tagapagtatag ng kongregasyon na si San Camilo de Lellis.

Binigyang-diin din ng Superior General ang kahalagahan ng pagkakapatiran at pananagutan upang higit pang mapalalim ang misyon ng pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa mga may karamdaman, sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoong Hesukristo.

“Comforted by the grace of God, may you promote in the spirit of love and service, the unity and responsibility of your brothers in the provincial community, so that, everyone will consecrate themselves with joy to the service of the sick by following Christ,” ayon kay Fr. Tramontin.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Villanueva ang humigit-kumulang 130 Kamilyanong pari at relihiyoso na nagmimisyon sa Pilipinas, Taiwan, Indonesia, at Australia.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, ipinagdiwang ng Camillian Philippine Province ang ika-50 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas sa temang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Diyos.”

Unang dumating sa Pilipinas ang mga Kamilyano noong 1974, sinimulan ang lokal na bokasyon at pagtatatag ng religious houses noong March 8, 1975, at ganap na naitatag ang Camillian Philippine Province noong July 1, 2003.
Si San Camilo de Lellis ang nagtatag ng Ministers of the Sick, na kalauna’y kinilala bilang Ministers of the Infirm o Camillians, na ang tungkuli’y maglingkod sa mga maysakit at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 125,229 total reads

 125,229 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 200,577 total reads

 200,577 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 234,026 total reads

 234,026 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 269,324 total reads

 269,324 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,953 total reads

 490,953 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,155 total reads

 159,155 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top