Sa digmaan, lahat ay talunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,541 total reads

Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Ito ang binigyang diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa patuloy na karahasan sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa obispo dapat hindi balewalain ng mga Pilipino ang mga nangyayaring karahasan sapagkat apektado nito ang buong mundo.

“Huwag po nating balewalain ang mga pangyayari sa kadahilanang malayo naman tayo. Sa kalagayan ng mundo ngayon, anuman at saanmang digmaan ay nakakaapekto sa lahat. Nakakaapekto ito sa ekonomiya ng mga bansa. Sa anumang digmaan, lahat ay talo,” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng opisyal na ang lubhang apektado ng digmaan ang mga bulnerableng sektor tulad ng mga bata, matatanda, kababaihan at ang mga may kapansanan.

Iginiit din ni Bishop Pabilo na bukod sa karahasan at kamatayang dulot ng digmaan ay lumalaganap din ang kasinungalingan lalo na sa mga makapangyarihang indibidwal na isinusulong ang sariling interes gamit ang armas.

Apela ng opisyal sa pamahalaan na tutulan ang anumang digmaan at iwasan ang anumang paraan ng paggamit ng sandata sa halip ay magbuklod sa panalangin tungo sa kapayapaan.

“Huwag tayong magsawang manawagan ng kapayapaan. Isang malaking magagawa natin kahit malayo tayo sa labanan ay magdasal. Kaya hinihikayat ko ang lahat na magdasal ng Santo Rosaryo sa ating mga tahanan, sa ating mga Kriska, sa ating mga chapels at mga simbahan,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Pinaalalahanan ng obispo ang mananampalataya sa panawagan ng Mahal na Birheng Maria nang magpakita ito sa tatlong bata sa Fatima Portugal na ipanalangin ang pagpanibago ng puso ng bawat isa upang magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo.

Bukod sa digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia na kumitil ng libo-libong indibidwal nagpapatuloy din ang sagupaan sa Gaza at Lebanon habang kamakailan ay sumiklab naman ang digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.

Nangangamba si Bishop Pabillo sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers sa mga apektadong bansa na batay sa datos ng Department of Foreign Affairs tinatayang nasa 30-libong OFWs ang nasa Israel habang nasa dalawang libo naman ang nasa Iran.

Sa pahayag ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola walong Pilipino na ang nasugatan sa digmaan ng dalawang bansa kung saan isa rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa pamamagitan ng mga panalangin ay lumambot ang puso ng mga lider ng magkatunggaling bansa at magkasundong isulong ang dayalogo para sa pagbubuklod ng mamamayan at iiral ang kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 46,182 total reads

 46,182 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 80,857 total reads

 80,857 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 109,575 total reads

 109,575 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 146,057 total reads

 146,057 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 161,428 total reads

 161,428 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top