Isabuhay ang simbahang sinodal, hamon ni Cardinal Advincula sa RCAM Curia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,922 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kawani ng Roman Catholic Archdiocese of Manila o RCAM Curia na patuloy makilakbay sa kristiyanong pamayanan bilang pakikiisa sa misyon.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na Jubilee of the RCAM Curia nitong June 26 sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon sa cardinal bilang kawani ng simbahan ay mahalagang maglingkod sa kapwa lalo na sa nag-iisa at may pinagdadaanan. Binigyang din ni Cardinal Advincula na bukod sa araw-araw na pagpapagal at pagganap ng mahusay sa mga gawain ay dapat ding nakahanda ang mga kawani sa pagbibigay ng sarili para sa simbahan.

“Hinikayat ang lahat na magbahagi ng sarili sa buhay ng simbahan anuman ang taglay nating kakayahan o katangian, maging daan nawa tayo upang mas lumaganap pa ang pakikibahagi ng lahat sa ating buhay bilang simbahan,” ayon kay Cardinal Advincula. Hamon ng cardinal sa RCAM Curia na isabuhay ang simbahang sinodal na sama-samang naglalakbay sa pamamagitan ng pagsabuhay sa temang ‘communion, participation and mission’.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang mga programa ng curia tulad ng taunang pagpapabinyag ng mga bata ng Baseco Tondo at iba pang outreach program lalo na sa mga komunidad na labis nangangailangan ng pagkalinga.
Iginiit ng arsobispo na hindi eksklusibong grupo ang mga kawani ng simbahan sa halip ay kabahagi sa misyon ni Hesus upang maabot ang bawat nasasakupan at mapakinggan ang kanilang pangangailangan.

“Maging instrumento nawa tayo upang mapakinggan at mauwanaan ang mga karanasan at saloobin ng ating kapwa, sikapin nating maipakilala si Hesus sa kanila at maging daan upang mas mapamahal sila kay Hesus,” giit ni Cardinal Advincula.

Bahagi ng Jubilee of the RCAM Curia ang ‘Walk of Hope’ mula sa Arzobispado patungong Manila Cathedral kung saan nagbigay ng panayam si Msgr. Reginald Malicdem ang kasalukuyang Vicar General at Moderator Curiae ng arkidiyosesis.

Nagkaroon din ng concurrent sessions na nakatuon sa mga paksang ‘Workplace Dynamics, Mental Health, at Financial Literacy’ para sa lahat ng kawani. Bilang pasasalamat at pagkilala ni Cardinal Advincula sa mga kawani na kanyang katuwang sa paglilingkod sa arkidiyosesis ay ang pagdadagdag ng sahod at ilang benepisyo nito makalipas ang isinagawang pag-aaral at restructuring ng RCAM Curia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,578 total reads

 53,578 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,049 total reads

 133,049 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,494 total reads

 166,494 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,792 total reads

 201,792 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,179 total reads

 426,179 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top