‘Huwag maging hari! Mamuhay nang payak.’ Paalala ng Santo Papa sa mga Pilipinong Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,885 total reads

Pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang delegasyon ng mga Pilipinong Obispo na nakibahagi sa naganap na Jubilee of Bishops sa St. Peter’s Basilica sa Roma.

Bilang patuloy na paggunita ng Simbahang Katolika ng Jubilee Year of Hope ay ginunita sa Vatican ang Jubilee of Bishops noong ika-25 ng Hunyo, 2025 sa pangunguna ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV.

Ayon kay Cardinal David, mahigit sa 600 mga Obispo mula sa iba’t ibang bansa ang dumalo sa Jubilee of Bishops kung saan pinangunahan ni Pope Leo XIV ang pagbabahagi ng katesismo sa kanyang mga katuwang na pastol ng Simbahang Katolika.

“At exactly 12 noon, Pope Leo joined us inside the Basilica and gave what I can only describe as a profoundly moving catechesis. It was not a speech meant to impress, but a fatherly word meant to pierce and renew. He spoke to us from the heart.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Pagbabahagi ni Cardinal David kabilang sa mga ipinaalala ng Santo Papa ang patuloy na pamumuhay ng payak ng mga Obispo sa pamamagitan ng pagtalikod sa anumang karangyaan at mga prebilehiyo na makapagpapalayo sa mga mananampalataya at sa mga pastol ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ng Cardinal, ang tanging kapangyarihan na dapat na taglayin ng mga Obispo bilang lingkod ng Simbahan ay ang kapangyarihan ng pag-ibig ni Kristo na nagpapahayag ng paglilingkod at kababaang-loob.

“On Pastoral Simplicity – He called us to renounce the trappings of status and clericalism. A bishop, he said, must be close to his people and his priests—not distant or privileged. Our only authority is the authority of Christ’s love, made visible in service and humility.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ibinihagi rin ni Cardinal David ang muling pagpapaalala ni Pope Leo XIV kaugnay sa priestly celibacy ng mga lingkod ng Simbahan na hindi lamang isang simpleng alituntunin kundi isang matibay na tanda ng bokasyon at paraan ng pamumuhay sa piling ng Diyos.

“On the Witness of Celibacy – He upheld priestly celibacy not as a mere rule but as a luminous sign—a way of life that witnesses to the Kingdom and reveals the Church as the chaste bride of Christ. He acknowledged pastoral challenges but invited us to guard the beauty of this vocation.” Ayon pa kay Cardinal David.

Samantala, inihayag rin ni Cardinal David ang pagbibigay diin ng Santo Papa hindi lamang sa pagiging matapat ng bawat Obispo kundi sa pagiging makatarungan lalo na sa usapin ng anumang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan, tiwala at dignidad ng mga lingkod ng Simbahan.

Ayon sa Cardinal, iginiit ni Pope Leo XIV na walang puwang sa Simbahan ang anumang uri ng pang-aabuso at binigyang diin ang dapat na pagiging maingat at makatarungan ng mga Obispo hindi lamang para sa paghilom sa mga biktima kundi maging para sa kapakanan ng buong Simbahang Katolika.

“On the Scandal of Abuse – His tone turned earnest and resolute. There must be zero tolerance for any abuse of power, trust, or conscience. He urged us to be transparent, protective, and just—not only for the victims but for the healing of the whole Church.”
Pagbabahagi ni Cardinal David.

Bukod kay Cardinal David, kabilang sa mga nakibahagi sa naganap na Jubilee of Bishops ay sina Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle – Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization; San Carlos Bishop Gerardo Alimanaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace; Batanes Bishop Danilo Ulep; at Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,985 total reads

 30,985 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,770 total reads

 67,770 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,981 total reads

 85,981 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,309 total reads

 170,309 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,269 total reads

 206,269 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,077 total reads

 38,077 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top