Mananampalataya, binalaan ng Diocese of Imus sa mga pekeng paring katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,102 total reads

Nagbabala ang Diyosesis ng Imus sa mga mananampalataya kaugnay ng mga ulat hinggil sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga paring Katoliko Romano at nagsasagawa ng mga ritwal ng Simbahan.

Sa liham sirkular, ipinabatid ni Bishop Reynaldo Evangelista na nakatanggap sila ng mga ulat tungkol sa mga nagsasagawa ng mga ritwal ng liturhiya kabilang ang paggagawad ng mga sakramento tulad ng Binyag, Banal na Eukaristiya, Kasal, at iba pang uri ng pagbabasbas, gamit ang Rito ng Simbahang Katoliko Romano, kahit mga hindi lehitimong pari.

“It has come to our attention, through reports from concerned members of the faithful of the Diocese of Imus, that certain individuals perform liturgical rites… using the Roman Catholic Rite despite not being validly ordained Roman Catholic Priests,” ayon kay Bishop Evangelista.

Pinaalalahanan ng obispo ang mananampalataya at mga katolikong institusyon, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, negosyo, punerarya, tanggapan, at mga establisimyento, na ang pagtanggap ng mga sakramento mula sa mga hindi lehitimong pari ay hindi lamang labag sa batas ng Simbahan kundi hindi rin katanggap-tanggap alinsunod sa Code of Canon Law.

“I kindly remind all Catholic communities and concerned institutions… that the administration of these sacraments or liturgical rites by these persons is not only illicit but also invalid, as stipulated in the Code of Canon Law 1168-1170.”

Bilang pag-iingat, hinimok ni Bishop Evangelista ang publiko na mas makabubuting bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng parokya ng Simbahang Katoliko upang tiyakin ang mga itinakdang gawain, oras ng serbisyo, at iba pang katanungan.

Saklaw ng Diyosesis ng Imus ang buong lalawigan ng Cavite, na binubuo ng 150 pari sa 89 parokya, at gumagabay sa mahigit 3.5 milyong Katoliko.

Patuloy naman ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na maging mapanuri at mag-ingat laban sa mga indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan para sa pansariling interes at iba pang mapanlinlang na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 68,001 total reads

 68,001 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,695 total reads

 146,695 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,142 total reads

 180,142 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,439 total reads

 215,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,173 total reads

 439,173 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,510 total reads

 157,510 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top