Order of Rajah Humabon, iginawad kay Cebu Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,206 total reads

Pinarangalan ng Cebu City Government si Cebu Archbishop Jose Palma ng Order of Rajah Humabon, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng lunsod.

Sa mensahe ng arsobispo nagpasalamat ito sa pagkilalang natanggap ngunit binigyang diin nitong ang kanyang mga tagumpay sa pagpapastol at paglilingkod sa pamayanan ay dahil sa suporta at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at simbahan.

“Sometimes people honor me, but I say, no — all of us are there. That’s the qualification I would like to make… It’s not only me, it’s we, the whole community that are part of all of this we call successful celebrations in Cebu…in this award, they are all here,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Ginanap ang awarding nitong June 26 sa Seminario Mayor de San Carlos (SMSC) kung saan pinangunahan ni Archbishop Palma ang banal na misa kasama sina Cebu Vicar General Msgr. Rogelio Fuentes SMSC priest-formators sa pangunguna ni seminary Rector Fr. Mhar Vincent Balili at iba pang pari ng arkidiyosesis.

Kasabay ng paggawad ng parangal kay Archbishop Palma ang pagbasbas sa mga tanggapan ng seminaryo, ang St. Charles Borromeo Chapel ng SMSC at ang krus na likha ni National Artist Napoleon Abueva na idineklarang important heritage structures and cultural properties.
Si Archbishop Palma ay inordinahang pari ng Archdiocese of Jaro noong Agosto 1976, naging Auxiliary Bishop ng Cebu noong 1997 at ginarawan ng episcopal ordination January 13, 1998.

Taong 1999 nang italaga ni noo’y santo papa St. John Paul II bilang obispo ng Diocese of Calbayog habang 2006 inilipat bilang arsobispo ng Archdiocese of Palo. Makalipas ang apat na taong paninilbihan sa Palo ay itinalaga ni Pope Benedict XIV si Archbishop Palma bilang arsobispo ng Cebu kahalili kay Cardinal Ricardo Vidal.

Sa loob ng 15 taong pagpapastol sa Archdiocese of Cebu kabilang sa mga mahalagang bahagi ng kasaysayan sa kanyang panunungkulan ang pagdeklarang santo kay San Pedro Calunsod kung saan katuwang si Cardinal Vidal ay nagtungo ang libu-libong Pilipino sa Roma upang saksihan ang canonization rites sa ikalawang Pilipinong santo.

Gayundin ang pangunguna ng arkidiyosesis sa International Eucharistic Congress, ang pagdiriwang ng 500 Years of Christianity lalo’t ang Cebu ang tinaguriang ‘cradle of Christianity’ at iba pang malalaking gawain ng simbahan sa Pilipinas at maging sa buong Asian region.
Ang Order of Rajah Humabon ay naitatag noong 1994 para kilalanin ang mga indibidwal na may natatanging ambag at paglilingkod sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,994 total reads

 29,994 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,860 total reads

 66,860 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,071 total reads

 85,071 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,399 total reads

 169,399 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,396 total reads

 205,396 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,049 total reads

 4,049 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top