Insidente ng pagpapatiwakal sa loob ng simbahan, ikinalulungkot ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,086 total reads

Ikinalungkot ng Archdiocese of Caceres ang insidente ng pagpatiwakal sa loob ng San Francisco de Asis Parish sa Naga City nitong June 29 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Sa pahayag ni Naga Chancellor Fr. Darius Romualdo, JCD nakiisa ito sa pagdadalamhati ng pamilya ng 18 taong gulang na biktima gayundin sa mga indibidwal na apektado.

Tiniyak din ng arkidiyosesis ang pakikiisa sa mga awtoridad na nagsagawa ng imbestigasyon kasabay ng mga panalangin ng paghilom.

“We extend our heartfelt prayers and compassion to the bereaved family and to all parishioners who have been affected by this painful event. In these moments of sorrows and uncertainty, the Church offers not judgment, but the hope of Christ’s mercy, who came to bind up the wounded and heal the brokenhearted. The Archdiocese is also collaborating closely with the proper authorities,” bahagi ng pahayag ni Fr. Romualdo.

Dahil sa insidente pansamantalang isasara sa publiko ang simbahan alinsunod sa isinasaad sa Canons 1211 – 1212 ng Canon Law upang bigyang daan ang ‘reparations’ sa sagradong lugar.

Pansamantalang suspendido ang mga liturhikal na gawain ng simbahan sa hanggang July 2 para sa panahon ng pananalangin, pagluluksa at paghingi ng kapatawaran.

“The Rite of Reparation and Healing will be held on the evening of July 2, 2025, to restore the church’s sacred character and offer communal healing,” dagdag ng pari.

Dalangin ng simbahan ang kapayapan ng kaluluwa ng biktima habang hiniling sa publiko na bigyang pagkakataon ang pamilyang makapagluksa gayundin ang apelang maging maingat at mahinahon sa mga komento kaugnay sa insidente lalo na sa social media.

Hinimok din nito ang mga nakararanas ng labis na kalungkutan at mga may pinagdaanan na sumangguni sa mga pari, counselor at maging sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan upang maibsan ang anumang nararanasan.

“Recognizing the emotional toll this incident has caused, the Archdiocese is making available the services of licensed psychologists and trained pastoral counselors to provide debriefing, trauma support, and spiritual accompaniment to the immediate family of the deceased, parishioners who witnessed or were affected by the incident, as well as the clergy, staff, and volunteers at the parish,” ani Fr. Romualdo.

Samantala bukas din ang Catholink ng Radyo Veritas katuwang ang iba’t ibang counselors sa bansa para sa mga nangangailangan ng psycho-spiritual support na mga indibidwal kung saan maaring makipag-ugnayan sa 8925-7931 to 39 local 117.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,578 total reads

 14,578 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,705 total reads

 14,705 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,445 total reads

 26,445 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 82,851 total reads

 82,851 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,352 total reads

 206,352 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,415 total reads

 290,415 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top